Arnell Ignacio, usap-usapan ang proposal sa dyowa

Arnell-IgnacioBIGLANG SA news itong si Arnell Ignacio dahil sa drama niyang proposal sa dyowa niyang si Ken Psalmer.

Matagal-tagal na ring hindi napag-uusapan ang lovelife ni Arnell pagkatapos nilang maghiwalay ng dyowa niya na, kung saan nagkaroon sila ng isang anak.

Eh, 19 years old na pala ang anak ni Arnell at nakaiintindi na raw ito sa nangyayari.
Tanggap daw ng anak niya ang kanyang pagkatao at nagustuhan daw nito ang dyowa niya.

May konting selos daw minsan, pero ang laging sinasabi raw ng anak niya ay mahal daw siya, kaya tanggap niya kung ano ang gusto niya sa buhay.

Sabi ni Arnell nang nakausap ito ng Startalk, ang gusto lang naman daw niya ay may partner na siyang nakasasama sa buhay.

Aniya, “Naghahanap talaga ako ng ka-partner. Matagal na akong single eh.

“Sabi ko sa kanya, gusto ko ‘yung makasama ko lagi na kasama ko sa negosyo ko, na makita ang resulta ng pagsasama natin. Gusto ko ‘yung partner ko, partner ko sa buhay,”

Parang nabibilisan nga itong partner niya dahil nu’ng April 19 lang pala naging sila, tapos nag-propose na ito ngayon.

Wala naman daw balak na wedding. Nag-propose lang daw siya para ma-confirm lang daw na sila na.

Eh, ito pa namang si Arnell, OA kung ma-in love kaya buhos talaga ang atensyon na ibinibigay niya.

Magaling daw kumanta itong Ken, kaya nandiyan siya, nakasuporta at naghahanap ng raket para maipakita lang ang talent nito sa pagkanta.

Hindi naman daw siya ‘yung tipong stage-dyowa, basta nandu’n lang daw siya para sumuporta.

Ano pa bang bago ay Arnell, eh ‘di sakyan na lang natin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleJessy Mendiola, inaayawan ng fans ni JM De Guzman
Next articleJasmine Curtis Smith, malabong masama sa soap ng Kathniel

No posts to display