Arnell Ignacio, naiyak sa istorya ng buhay ng alagang si Ken Psalmer

Arnell-Ignacio-Ken-PsalmerHINDI RAW naiwasang maluha ng mabait at mahusay na host/ businessman at komedyanong si Arnell Ignacio sa dinaang buhay ng kanyang kauna-unahang alagang si Ken Psalmer.
Kuwento nga ni Arnell, sobrang bait daw ni Ken para palagpasin at ipasa-Diyos na lang ang mga taong lumoko rito. “Mabait talaga siya, kasi imbes na magalit, hindi na lang niya pinapansin ‘yung mga taong lumoko sa kanya. Kung sa akin ‘yan, hindi puwede, binungangaan ko na sila.
“Kaya nga nu’ng nakilala ko ‘yan, parang ayaw maniwala sa akin at hindi pa ako kilala. Kasi nga hindi na siya madaling magtiwala sa dami ng nanloko sa kanya.
“Sabi ko nga sa kanya, hindi lahat ng makikilala niya lolokohin siya. May mga tao ring tutulong sa kanya nang totoo.”
Kaya naman daw pursigido si Arnell na tulungan si Ken sa abot ng kanyang makakaya para matupad nito ang pangarap ng kanyang protege na makilala sa industriya kahit papaano at magkaroong ng sariling kanta.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleHiwalayang Doc Manny at Dra. Pie Calayan, tsismis lang daw
Next articleRhian Ramos, hindi na maitago ang identity ng Chinese boyfriend

No posts to display