Arnell Ignacio, hobby na ang pagdedemanda

Arnell Ignacio, hobby na ang pagdedemanda

Arnell-IgnacioHOBBY NA Raw ng isa sa mga host ng TV5 public service program na Solved na Solved na si Arnell Ignacio ang magdemanda sa mga taong niloloko siya pagkatapos niyang tulungan at pakisamahan nang maganda.
Tsika nga ni Arnell na marami-rami na rin daw ang nademanda niya para magkaroon ng lesson at hindi na muling gawing manloko ng ibang tao.
Karamihan nga raw rito ay ‘yung mga tinulungan pa niya at imbes na suklian siya ng kabutihan ay umaabuso at niloloko siya. Kaya naman daw ang ending ay tinutuluyan niya at ito at idinedemanda.
Tsika nga nito na isang entertainment writer nga raw ang tinulungan niya nang humingi ng tulong, pero nagawa pa siyang pagnakawan nito ng pera.

John’s Point
by John Fontanilla