Arnell Ignacio, dumarami ang kaibigan ‘pag maraming raket

Arnell Ignacio, dumarami ang kaibigan ‘pag maraming raket

Arnell-IgnacioMASAYAHING TAO si Arnell Ignacio, kaya naman sa mahabang panahon ng kanyang showbiz career ay manhid na siya sa sitwasyon, kung mayroong panahong bongga na ang dami-dami niyang trabaho sa pelikula at telebisyon, kung paanong nararanasan din niya na matengga. Magaling siyang komedyante at magaling siyang TV host, lalo pa’t una siyang nakilala bilang stand up comedian sa comedy bar kasabayan ni Ai-Ai delas Alas.

Yumaman na rin si Arnell dahil sa kanyang kasipagan sa buhay, dahil masinop naman siya sa pera. Pero sanay na rin siya sa buhay na maranasan na kung minsan, kung ano ang maraming meron ka ay puwede ring mawala. Hindi rin kasi siya maramot na tao. Matulungin at mapagbigay siya, dahil siya ang tipo ng tao na dahil ang trabaho ay magpasaya, kaya dati ay hirap siyang tumanggi sa mga lumalapit sa kanya na mga taong nangangailangan. Kaya nga ba’t kahit nabigo siyang manalo ay nagtangka siyang pumasok sa pulitika?

Hindi nganga ang career ni Arnell ngayong 2015, dahil mayroon siyang bagong magandang programa sa TV5, ang Solved Na Solved.  Kuwela si Arnell kapag marami siyang raket, dahil naglilitanya siya ng pagpapatawang, “Naku, kapag dumarami ang raket ko ay napapansin kong dumarami bigla ang mga kaibigan ko. Kapag wala akong raket, nawawala rin yata sila!” Kasi nga, kapag happy si Arnell sa kanyang buhay, ang dami-dami ring nakikisaya sa kanya.

ChorBA!
by Melchor Bautista