Arnell Ignacio, deadma sa bashers nila ni Ken Psalmer

Arnel-Ignacio-Ken-PsalmerUSAP-USAPAN NGAYON ng ginawang pagpo-propose ni Arnell Ignacio sa kanyang talent at boyfriend na si Ken Psalmer na ginanap noong Miyerkules, June 3, sa Manila Diamond Hotel na dinaluhan ng malalapit nilang kaibigan.

Kalat na kalat na nga sa social media ang video ni Arnell na nagpo-propose kay Ken, na humamig ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens. May natuwa at kinilig, at ang iba naman ay ‘di nagustuhan ang napanood na video.

Pero mukhang deadma lang si Arnell sa basher nila ni Ken, dahil ayon na rin sa post nito sa kanyang Facebook account patungkol ka’y Ken:  “At this age when it is most noble to share your life’s chronicles to your fascinated ‘audience’. A twist of fate puts you in the middle of going through it all again… as if unfinished remnants of unlearned lessons need to be reviewed.

“And as fear sets in you suddenly discover you are in love.. Once more… And hopefully and beautifully on the last station of your heart… Ah no worries this time… Life is beautiful. Thank you Ken El Psalmer for welcoming me to your life.”

Mukhang in love na in love nga sa ngayon ang mahusay na komedyante/ host/ businessman at ngayon ay isa na ring manager.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleSylvia Sanchez at pamilya, nasa Japan nang lumindol ng Intensity 8.5
Next articleMeryll Soriano, wish na makapag-asawa na uli amang si Willie Revillame

No posts to display