Arnell Ignacio at dyowang si Ken Psalmer, tigilan na raw ng bashers

Arnell-Ignacio-Ken-PsalmerTWENTY EIGHT years old ang screen age ng boyfriend ni Arnell Ignacio, but in truth, treinta’y kuwatro na si Ken El Psalmer na tubong-Pampanga.

Bale 17 years ang age gap nina Arnell at Ken na hindi pa natatagalan buhat nang magkakilala and—hold your breath—are now engaged to be married!

Aware si Arnell that just like any “odd” couple ay aani rin sila ni Ken ng mga batikos, and both of them reaping just that on social media. Pero panawagan ng TV host-comedian, spare them kung hindi man kayang maging masaya para sa kanila ang kanilang mga bashers.

Arnell is right. Kung natanggap ng publiko ang relasyong Charice Pempengco-Alyssa Quijano, pagpapakasal nina Aiza Seguerra at Liza Diño, what makes Arnell-Ken bromance different from theirs? Kaya bang ipagkaloob ng mga bashers ang kaligayahan ni Arnell with Ken and vice versa?

Natanggap nga ng 19 years old na daughter ni Arnell ang pagkakaroon nito ng boyfriend, even Ken’s father seems approving of their relationship, bakit kailangang hilingin nina Arnell at Ken na tanggapin din sila ng buong mundo?

Kesa i-bash n’yo nang i-bash ang mga relasyong lalaki-sa-lalaki, you had better re-examine yourselves: malilinis ba kayo?!

Affected daw kami, o!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleShalala, suportado ang pagmamahalan ng kaibigang si Arnell Ignacio at Ken Psalmer
Next articleRyza Cenon, suko na sa pangarap na maging big star

No posts to display