Arnell Ignacio at Ai Ai delas Alas, bumuo ng grupong tutulong sa mga nangangailangan

ADVERTISING

Arnell Ignacio at Ai Ai delas Alas, bumuo ng grupong tutulong sa mga nangangailangan

BUMUO sina Arnell Ignacio at Ai Ai delas Alas ng isang grupo na maaaring makapagbigay ng mabilisang tulong sa mga nangangailangan.

Arnell Ignacio at Ai Ai delas Alas, bumuo ng grupong tutulong sa mga nangangailangan
Arnell Ignacio & Ai Ai delas Alas

Sa pag-iikot ni Arnel sa iba’t ibang probinsiya sa bansa, marami siyang nakilalang mamamayan na simple lang ang mga pangangailangan at hindi na kailangang idaan pa sa tanggapan niya sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Aniya, “Kasi, meron talagang lumalapit na immediate ang pangangailangan. ‘Yong ngayon, as in nga­yon na. Hindi namin kaya ‘yon. Kasi, sa amin, maraming documents.

“So, meron kaming binubuong grupo ni Eileen (tawag niya kay Ai Ai) na isa-submit ko sa kanila ang sitwasyon kung sino man ‘yung humihingi ng tulong.”

ADVERTISING

Kasama rin umano sa nasabing grupo si Gretchen Barretto at inaasahan na sana ay sumama rin si Willie Revillame.

Dagdag pa ni Arnell, marami silang mga kaibigang mahihingan ng tulong, ngunit hindi raw puwedeng basta na lang lapitan, kaya mas okay sana kung mayroong grupo na puwedeng mag-ayos ng lahat.

Sa ngayon, marami na raw ang celebrities na nag-pledge para makatulong sa grupo nila. 

ADVERTISING