Arnel Ignacio, binastos-bastos lang ng aspiring singer

ADVERTISING

Arnel Ignacio, binastos-bastos lang ng aspiring singer

Arnell-Ignacio-Ken-PsalmerNALOKA AKO sa kuwento nitong lovelife ni Arnel Ignacio at itong aspiring singer na si Ken Psalmer.

‘Di ba nabalita nga naming break na sila? At siguro napanood n’yo sa Startalk ang interview namin sa kanilang dalawa.

Sabi kasi ni Arnel, napuno na raw siya kung paano siya tratuhin nitong si Ken. Mismong si Ai-ai delas Alas ang makapagpapatunay kung paanong binabastos-bastos daw nitong Ken si Arnel. Tiniis lang daw ito lahat ng comedian/ TV host dahil mahal nga niya. Pero bandang huli, napuno na rin daw siya dahil sa mga ipinakikita raw nitong Ken.

Saad ni Arnel, “Napuno na ako, nu’ng ikaw mahuhuli na nga kitang nanlalaki ka, uulitin mo pa, ‘di ba? Ano ‘to lolokohin mo lang ako nang lolokohin, ikaw pa ang nagagalit. Sana mag-apologize na lang, ‘di ba? Hindi eh! Magagalit lang ‘yun!”

ADVERTISING

Okay na nga raw si Arnel na kahit break na sila, nandiyan pa rin siya para tumulong sa career ni Ken, pero galit pa rin daw ito. Sabi pa niya, “Binibigyan mo ng work, ang daming arte. Lahat ‘yun pinagpasensyahan ko. Tiniis ko. Tinanggap ko dahil ultimately ang gusto ko maging maayos ang buhay niya. Thirty-five years old na siya, ang lahat na kapanabayan niya naka-take off na, and I felt for it. Entertainer ako, entertainer siya. So naiintindihan ko ang buhay ng entertainer kung gaano niya pinaghihirapan.”

Dagdag pang litanya ni Arnel, “Noon talaga ayokong magsalita kasi may natitira pa akong respeto. Ngayon, completely wala. Kasi, ‘di ba, malalaman ko ganyan mo pala ako ginagago? The least you can do ay maging mabait na lang sa akin, and that would be highly appreciated. Ako na ‘yung nagpapakumbaba, tinutulungan ko pa, tatarayan mo pa ako.”

 

MABUTI AT nakausap naman ng Startalk itong si Ken para maipagtanggol naman daw ang sarili.

Ang sabi lang niya, kung ano man daw ang mga pinagsasabi ni Arnel, naintindihan daw niya dahil masama ang loob nito.

Pero kung ano man daw ang mga pabor at tulong na ibinibigay ni Arnel sa kanya para sa kanyang career, kusang binigay raw ‘yun ni Arnel at hindi naman daw niya hiningi. Nagpasalamat naman daw siya sa lahat na tulong ng dating karelasyon.

Aniya, “Basta ayoko nang palakihin. Basta gusto ko lang malaman ng mga tao na sana maintindihan din nila ako. Hindi lang ako ang may fault. Sa akin siyempre, it’s a two-way relationship. Siguro naman po, dahil wala akong kakilala nga na expert, ‘yung sarili ko sa media, o sa mga tao, sana maisip din nila na hindi naman sinisisi ko si Arnel. Mutual naman ‘yung decision namin na maghiwalay. Kung ano man ‘yung naririnig ng iba o sinasabi ng ibang tao, sana iisipin n’yo muna na may side din po ako.”

Umaasa naman itong si Ken na magkausap daw sila nang maayos ni Arnel at kahit maging friends na lang.

Pero sa takbo ng mga pangyayari, mukhang ayaw na ni Arnel, eh. Marami pa raw siyang pasabog laban sa dating karelasyon, kaya ayan na nakakaladkad na sa iskandalo itong si Ken.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING