Arnel Ignacio, bilib sa professionalism ni Kris Aquino

ADVERTISING

Arnel Ignacio, bilib sa professionalism ni Kris Aquino

Arnel-IgnacioISA SA hinahangaan ni Arnel Ignacio ay si Kris Aquino. Bilib siya kung gaano ito ka-professional pagdating sa trabaho.

Pagdating ni Kris sa set ng Kris TV, salang kaagad siya.

“Roll agad ang kamera after konting briefing sa kanya ng floor director,” kuwento ni Arnel sa amin.

Guest kasi siya ni Kris sa morning show ng Star of All Media.

ADVERTISING

“Sa pagiging professional niya, kahit sinong director, writer at producer niya, walang sakit sa ulo. Kaya siguro nagkakasakit ang lola mo dahil sa passion niya at professionalism when it comes to work.

“Nakasama ko na siya before sa isang show sa RPN 9 noong nag-uumpisa pa lang siya. If I’m not mistaken naging magkasama kami sa Actually ‘Yun Na na isang showbiz show noon in the 80’s bago pa siya napunta sa GMA 7, then hanggang sa ikontrata na siya ng ABS-CBN,” kuwento pa ni Arnelli.

Kuwento niya sa amin, nae-enjoy niya ang kanyang work bilang isa sa mga artista sa Rak of Aegis na nagtapos na last night (Sunday).

“For the love of theater kaya ko ginagawa,” pagbibida ni Arnelli sa amin. “Kapag nag-teatro ka kasi, kapag may show ka on that day, wala ka ibang commitment dahil mahihirapan kang isingit ang kung ano mang lakad mo or other commitments.

“Kapag may two shows kami sa isang araw like may matinee kami, before lunch andu’n na ako at aabutin na ako hanggang sa show namin sa gabi,” kuwento niya sa amin.

Sa liit ng kinikita niya sa Rak of Aegis as a performer (he earns one thousand pesos per performance), ang magandang raket ay ang iba-block niya ang show at ibbeenta sa mga kakilalang sponsor.

“May kasama kami sa show na du’n kumita nang husto.”

Ngayon naka-focus si Arnell sa kanyang negosyong pagpapatayo ng mga bahay. “Ang daming mga bakanteng lupa d’yan sa Pasig. Malaki rin kasi ang puhan na kahit paisa-isa lang ang investment mo, andu’n ang pera mo.”

Ang ganda ng mga bahay na ipinapagawa niya na nagkakahalaga ng mga 12 million (the lowest).

“Huwag na ninyong uriratin, sabat ng isang reporter. Baka mapansin siya ni Kim Henares (of the BIR).

Update ni Arnell sa amin, pasasalamat niya sa kanyang wig salon business na until now ay patuloy na nag-o-operate dahil dito siya nagkaroon ng puhunan para pasukin ang maliit niyang construction business.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING