Arjo, parang lalaking Nora Aunor

ADVERTISING

Arjo, parang lalaking Nora Aunor

Arjo Atayde
Arjo Atayde

Hindi lang si Coco Martin ang masasabing masuwerte na artistang kasali sa cast ng teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” ng ABS-CBN. Bakit ka n’yo? Lahat kasi ng main cast ay tuluy-tuloy ang kanilang trabaho kaya naman abot pa sa susunod na taon ang kanilang work. Masasabing isa na nga sa pinakamatagal na  serye itong “FPJAP”.

Kaya naman nagtatagal ang said serye ay talaga naman pinag-iisipang mabuti. At ang bawat episode ay talagang nakapananabik.

At dahil diyan, ibinabalik ng kanilang grupo ang pagkakaroon ng pasasalamat sa darating na October 8 sa Araneta Coliseum. Buong cast at mga piling bisitang artista ang magtatanghal.

Biro nga ni Susan Roces na kakanta siya. Abangan na lang kung ano ang mga gagawin ng bawat isa, lalo na si Coco.

ADVERTISING

Samantala, patuloy ang pagtanggap ni Coco ng parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

At maging si Arjo Atayde ay kapansin-pansin na rin dahil sa kanyang husay sa pagiging main kontrabida.

Kaya naman sobrang pasasalamat ni Arjo sa buong team ng Dreamscape Entertainment.

Sabi nga ni Alfie Lorenzo, parang lalaking Nora Aunor si Arjo kapag umaarte. Na kahit walang dialogue ay kitang-kita sa mata ang pag-arte.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING