Arjo Atayde, star-studded ang birthday celebration

ADVERTISING

Arjo Atayde, star-studded ang birthday celebration

Arjo-Atayde-with-FamilyLATE MAN dahil super busy sa work ay nairaos din ang 25th birthday celebration ng anak namin na si Arjo Atayde last Sunday sa Circle Events Center sa Quezon City. It’s more of a family affair lalo pa’t ang laki ng Pamilya Atayde.

Ang theme ng party ay guests are requested to come in black, white or silver na ang nakababatang kapatid ng aktor na si Ria (super pretty si Titser Hope of the morning show Ningning) ay abala sa pag-eestima ng mga bisita sa tulong ng ina nila na si Sylvia Sanchez in her simple black blazer with a white inner blouse.

Happy kami kay Arjo dahil ang pangarap niya sa showbiz ay dahan-dahang naisasakatuparan sa tulong ng pagdarasal at siyempre sa sipag at galing na rin ng aktor.

Star-studded ang party ng binata. Siyempre nandun ang halos buong casts ng Ang Probinsiyano, kung saan his teleserye ang pinakamalaking hamon para sa binata.

ADVERTISING

Maaga pa lang, nandun na si Ms. Susan Roces. Paglabas namin ng venue, nakasalubong naman namin si Bella Padilla na super plantsa ang long hair kaya hindi ko agad nakilala.

Showbiz personalities na present ay sina Aiza Seguerra with lovey Liza Diño, Billy Crawford with Coleen Garcia, Pooh, Pen Medina, Deo Edrinal, Biboy Arboleda, Roxy Liquigan, Nyoy Violante na super galing sa kanyang pakikipag-jam sa banda, Yam Concepcion na magaling palang drummer, EJ Falcon, at marami pang iba. Sa pag-alis namin, hindi namin alam kung dumating si Coco Martin sa party.

Sa 25th birthday ni Arjo, ang wish ng binata, sana magka-lovelife na siya. Biro nga niya, “P’wede ko namang isingit kahit busy sa work.”

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING