Arjo Atayde special guest ni Maine Mendoza sa ‘Daddy’s Girl’ ngayong Sabado

THE LONG WAIT IS OVER!

March is an important month for the fans of Maine Mendoza dahil ito ang birth month ng kanilang idol. Every Saturday ay nakaabang ang mga ito sa weekly family show ng GMA-7 na ‘Daddy’s Girl‘ kung saan gumaganap si Maine bilang Stacey na anak ni Barak Otogan (Vic Sotto).

Arjo Atayde special guest ni Maine Mendoza sa 'Daddy's Girl' ngayong Sabado
Arjo Atayde and Maine Mendoza

Marami-rami na rin ang mga artistang nag-guest sa programa. Isa sa mga pinakamemorable para sa mga fans ay ang appearance noon ni Alden Richards sa programa. Kinilig ang AldubNation sa short but sweet exposure ng ‘reel’ partner ni Maine. Aminin niyo – hanggang ngayon ay may onscreen kilig feels pa rin ang AlDub kahit pa alam natin ang realidad na hanggang onscreen lang talaga sila.

For our dear Menggay’s birthday, mismong ang kanyang true love na si Arjo Atayde ang bubulaga kay Stacey!

Yes, ang Kapamilya actor ang mystery guy guest ng programa ngayong Sabado. Ang akala ng nakararami ay imposibleng mangyari ang nasabing guesting dahil identified si Arjo bilang isang Kapamilya talent. Ngayon ay nabigyan ang magdyowa ng pagkakataon na magkasama sa isang special episode ng Daddy’s Girl dahil na rin sa less restrictions ng pagguest ng Kapamilya talents sa Kapuso Network.

Excited na kami para sa episode na ito! Magandang regalo ito para sa mga tunay na nagmamahal kay Maine lalo na’t ngayong araw ang kanyang 26th birthday. Matagal-tagal na rin natin siya hindi napapanood sa pelikula o teleserye kaya naman we need some kilig pa more na makatotohanan, ‘diba?!