Arjo Atayde, sobrang thankful sa “Ang Probinsyano”

ADVERTISING

Arjo Atayde, sobrang thankful sa “Ang Probinsyano”

Arjo Atayde
Arjo Atayde

 Kinilalang muli ang galing ni Arjo Atayde nang tanghalin siyang Teleserye Supporting Actor of the Year sa katatapos na The PEP List Year 3 Awards. Ang pagkilala ay para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Police Sr. Insp. Joaquin Tuazon sa “Ang Probinsyano” ng ABS CBN.

Nang makapanayam namin si Arjo matapos tanggapin ang kanyang tropeo, sinabi niyang sobra siyang nagpapasalamat sa naturang parangal.

“Thankful po ako and I feel like I’m very blessed to have all these people believing in me and helping me out, a big part of my career is really si Coco (Martin), he’s one of the people who believes in me, actually he requested me to be in the show.”

Noong una ka bang sumali sa “Ang Probinsyano”, ine-expect mo na magiging ganito katindi at ganito kalaki ito?

ADVERTISING

“No kasi, first sabi ko nga I’m supposed to be a part… it was also a big hit na show, dapat I was part of that show and I won’t mention na the show. Then I was… mayroon nang photoshoot and everything, I was really-really excited, then eventually like a few weeks, they pulled me out and I was wondering… and they told me mayroon kang ‘Probinsyano’.

“And then at the back of my head, obviously, curiously I don’t know what ‘Probinsyano’ was,” nakangiting pahayag ni Arjo.

So kahit nawala ka sa ibang show, mas malupit pala ‘yung kapalit?

“Nagulat ako, sobra!” Matipid na sagot niya.

Ano ang masasabi mo sa award na ito?

Esplika ni Arjo, “I don’t know, for me an award kasi is a bonus. It’s a bonus na it just keeps me striving for more, being more hungry to prove myself worthy of the award. It helps me a lot, ‘yung parang you know what, I just want to prove that I’m worthy of the award you gave me.

“And at the same time, even with no award, I just want to learn my craft and just improve and improve every day.

“It’s a privilege to be part of this, at the same time, I’m learning so much things from Tita Susan (Roces), Tito Jaime (Fabregas), to Tito Eddie Garcia to Albert Martinez, which are very good actors and actresses.

“So for me, I’m very honored to have these people teaching me and believing in me at the same time.”

Pati ba kay Coco, marami kang napupulot na technic?

“Definitely, he teaches me a lot of things na about sa acting. Actually ‘di lang sa acting, kundi pati sa life, ang dami kong natututunan sa kanya and he’s very transparent to me, parang kuya ko na siya, eh,” saad pa ng tisoy na anak ni Ms. Sylvia Sanchez.

“Kaya I dedicate this award to him. Thanks, Bro,” pahabol na pahayag pa niya.

Ano pa ang dapat abangan ng mga suking viewers ninyo sa “Ang Probinsiyano”?

“Marami pang sasabog na kotse, mas marami pang action. Marami pang guests na papasok na magagaling. Lahat na e, pasabog, may action, may drama, may comedy, everything. We’re trying our very best naman for the viewers para mas ma-enjoy pa nila iyong ‘Ang Probinsyano’.”

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING