Arjo Atayde, sinusundan ang yapak ng isang Eddie Garcia

ADVERTISING

Arjo Atayde, sinusundan ang yapak ng isang Eddie Garcia

Arjo-AtaydeANG PAYAT ngayon n Arjo Atayde. Banat na banat ang katawan at pinaghahandaan niya ang mga muscles na dahan-dahang mag-uumbukan sa kanyang torso.

ADVERTISING

Bukod kasi sa pagte-taping ng aksyon seryeng Ang Probinsiyano, he plays soccer na tunay na nakapagpapapayat sa kanya. Mabuti at may lakas at energy pa rin ang binata sa kanyang napiling sports at sa kanyang acting career.

Sa unang linggo ng aksyon serye niya with Coco Martin where he plays the role of Joaquin, ang kontrabida at bad cop (inis na inis sa kanyang ang televiewers na sumusunod sa naturang serye because of his performance) masaya si Arjo dahil napapansin na rin ang kanyang galing sa pag-arte.

Sabi nga mga taga-showbiz, siya ang sumusunod sa yapak ng isang Eddie Garcia na super kontrabida sa isang Fernando Poe Jr. (na isa sa mga imahe na tinatahak din ni Coco).

ADVERTISING

Sa short review ni Nestro Torre sa Philippine Daily Inquirer, napansin ni Mr. Torre si Arjo na kung bibigyan pa ng magandang mga eksena ay magiging hated kontrabida siya sa industriya ng telebisyon at maging sa pelikula.

Malayu-layo na rin ang tinahak ni Arjo. Matiyaga kasi siya at alam niyang magpahalaga sa kanyang showbiz career na pinaghihirapan niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING