Arjo Atayde, sariling sikap

ADVERTISING

Arjo Atayde, sariling sikap

Arjo-AtaydeTWO YEARS nang walang girlfriends si Arjo Atayde. Hindi naman daw niya hinahanap, dahil priority niya ang kanyang career sa ngayon, lalo na at one of the major stars siya ng Pure Love na siyang pumalit sa katatapos lang na Mirabella at nagsmula na nga nu’ng Lunes pa bago mag-TV Patrol.

ADVERTISING

So ano ang kanyang outlet? “Banyo!” Very candid ang pagkakasagot niya. Hindi na kailangan pang i-explain kung ano ang ibig sabihin no’n, pero dagdag pa ng anak ni Sylvia Sanchez, “But honestly, busy talaga, eh. Walang panahon sa ganyan. Dahil umuuwi ako sa bahay from ‘Pure Love’ taping NAng morning na, so itutulog ko na lang talaga.”

Pero okay lang ba sa kanya na walang girlfriend? “Me tissue naman, eh!”

Hahahahaha!

ADVERTISING

 

DADDY, THANK you po talaga sa video na sinend mo po sa akin.”

‘Yan ang paulit-ulit na dayalog sa akin ng eldest daughter kong 12 years old na diehard KathNiel fan. Isinend ko kasi sa FB timeline niya ang kinunan naming greeting sa kanya ni Daniel Padilla na nakita namin sa backstage ng ASAP 19 last Sunday.

Isang request lang namin kay Daniel, walang pagdadalawang-isip na pinagbigyan niya ang aming hiling na mag-video message sa anak ko.

Kaya naman ang mga kaklase ng anak kong nagpo-post ng comment sa timeline niya ay puro inggit at pagkagulat ang naging reaksiyon.

Hindi ko man itanong sa anak ko kung fan ba siya ng Kathniel eh, aba’y obvious na obvious sa kanyang mga status. Me fanpage din siya ng Katniel na sinusundan at isine-share pa sa mga FB friends niya.

Excited na nga ang lola n’yo na mapanood ang She’s Dating The Gangster at parang ikamamatay niya kung hindi niya ito mapapanood, kaya siyempre, after lang naman tayong mga magulang sa ikaliligaya ng anak, kaya nag-promise naman kami na panonoorin ito.

Kaso, hindi sa mga unang araw, dahil tiyak na pasabog sa haba ang pila ng mga manonood. Lalo pa’t kuwento ng Managing Director ng Star Records na si Roxy Liquigan na, “Naku, ang ganda ng movie, napanood ko na. Iyak, tawa, kilig, iyak. ‘Yan ang mararamdaman ng audience.

“Ibang level ng acting ang makikita n’yo rito kay Daniel. Kahit ako, na-shock, dahil ang husay-husay niya talagang umarte. Si Kathryn Bernardo naman, given naman na na mahusay rin ang bata. Pero kay Daniel talaga ako nalokah.

“Tineks ko nga ang mommy niyang si Karla Estrada para sabihing ang husay-husay ni Daniel sa movie. Feel-good movie na ‘wag na ‘wag n’yong palalampasin!”

Ang anak namin pagdating pa lang mula sa school ay updates na about KathNiel ang hinahanap sa social media, I’m sure, hindi man namin sabihin sa kanya ang sinulat naming ito ay tiyak na makakalkal niya rin ito.

 

ANG KILALA sa Instagram bilang si Selfie King dahil panay ang picture-taking niya sa sarili niya whether mag-flex siya ng muscles niya, magpakita ng flawless niyang katawan o ‘pag nasa ibang lugar siya o maging sa sasakyan niya ay patuloy pa ring iniintriga na isa raw “pamhinta” as in beking nagtatago sa kanyang aparador.

Wala namang problema kung pamhinta nga siya, eh. Kaso, walang patid ang mga intriga na kesyo me mayaman daw itong dyowa na may-ari ng isang company at ito raw ang lagi niyang kasama kapag siya’y nagbabakasyon abroad.

“Imagine, Mama Ogs, kung talagang hindi ka guilty at friends lang talaga sila ng rich gay na yon, bakit lagi lang siyang solo sa picture eh nasa abroad ka, ‘di ba? Sino ang may hawak ng kamera na pinipiktyuran ka kasama ang view sa likod mo?” Honestly, wala kaming maisagot dito, pero hindi na rin para itanong sa kanya ang tungkol dito, dahil kahit kelan ay wala naman itong inamin sa amin.

Eh, para sabihin niyang “Wala pa po talaga akong gay experience, tito,” eh ‘di sige. Virgin na kung virgin. At mas virgin ka pa sa “extra virgin coconut oil”. Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING