Arjo Atayde, sa dami ng nangyayari sa buhay, wala na raw mahihiling pa

ADVERTISING

Arjo Atayde, sa dami ng nangyayari sa buhay, wala na raw mahihiling pa

Arjo Atayde and his family
Arjo Atayde and his family
Sylvia Sanchez, Susan Roces, and Arjo Atayde
Sylvia Sanchez, Susan Roces, and Arjo Atayde
Atayde Family's press friends
Atayde Family’s press friends

Ang guwapo ng anak-anakan naming si Arjo Atayde in his white polo shirt who celebrated his 26th birthday last November 4 with a dinner celebration last Sunday sa Basil Authentic Thai Restaurant sa may bandang White Plains in Quezon City.

Kung tama ang alaala ko, nag-celebrte na rin si Arjo ng maliit na dinner treat sa nasabing resto na favorite place ng Pamilya Atayde years ago noong baguhan pa lang siya. And if I’m not mistaken, selebrasyon ‘yun ng una niyang nakuhang award sa showbiz mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC) sa kanilang taunang Star Awards for TV bilang Most Promising New Male TV Actor (for “E-Boy” yata ‘yun na unang teleserye niya sa Kapamilya Network).

Last night, late na kaming nakarating ng kaibigang Fernan de Guzman (aka Ms. F) sa venue. May pinanggalingan pa kasi ako. Nagkita na lang kami ni Ms. F. sa isang mall na regular tambayan namin.

Nadatnan namin ang the usual small group of media friends ng mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez na punong abala naman sa pag-aasikaso ng mga bisita ng anak na mostly ay mga kasamahan niya sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” action-serye.

ADVERTISING

Nandu’n ang mga kasamahan sa panulat tulad nina Jobert Sucaldito, Regee Bonoan, and Rohn Romulo na tuwing may family gathering sina Papa Art at Ibyang, kami-kami rin ang magkasama na naiimbitiahan sa private events-functions nila at kami-kami rin ang magkasama sa iisang mesa.

From Papa Art’s birthday to a gathering na paandar ni Ibyang or kung mag-aya man ito ng late dinner, kadalasan sa hindi ay kabilang kami together with the same press friends ng pamilya.

Siyempre kumpleto ang Pamilya Atayde including ang mga kapatid ni Arjo (aside from Ria) na sina Gela at Xavi and mga cousin and non-showbiz friends ng aktor.

Sa mga pagtitipon na ganito, always present ang grandparents ni Arjo na parents ni Papa Art na sina Papito Ramon at Papita Pilar.

Nadatnan na namin ang ilan sa showbiz friends ni Arjo tulad nina Billy Crawford at girlfriend na si Coleen Garcia (pinsan niya si Arjo), Joel Torre, Jaime Fabregas , Mr. Tonyboy Cojuangco with Gretchen Baretto, Mr. Atong Ang, John Prats, Dreamscape’s Production Team, Cris Navarro of  Star Magic na handler ngayon ni Ria Atayde (as the newest Star Magic Talent), Agot Isidro, Albert Martinez, and Mr. Eddie Garcia . Dumating din si Ms. Susan Roces sa pagitipon. Sayang at wala si Coco Martin na nasa USA ngayon.

Sabi ng birthday celebrant sa short tsikahan namin, “I’m very thankful sa nangyayari sa buhay ko, Tito. An acting award from the PMPC (he won as Best Supporting Actor for the TV series “FPJ’s Ang Probinsiyano”), a loving family, my participation in the action-serye, what else can I ask for?”

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING