Arjo Atayde, patatayuan ng parlor ni Sylvia Sanchez

ADVERTISING

Arjo Atayde, patatayuan ng parlor ni Sylvia Sanchez

Sylvia-Sanchez-Arjo-AtaydeISA SA mga bumati ng happy birthday kay Ogie Diaz ang butihing ina ni Arjo Atayde na si Sylvia Sanchez.

ADVERTISING

Nakakaaliw ang pag-uusap ng dalawa sa radio program ni Ogie sa DZMM dahil kahit paano ay naisingit ni Ogie habang siya ay binabati ng actress na ina ni Arjo sa walang katapusang intriga sa gender ni Arjo.

Okey at wala namang problemang sinagot ni Sylvia ang isyu na kesyo may dugong berde raw ang anak na si Arjo, in short, isa raw gay ang actor.

“Alam mo Ogie, matagal nang isyu ‘yan. Wala namang problema kung maging gay man ang anak ko. Eh, ‘di ipagagawan ko siya ng parlor,” natawang pahayag ni Sylvia kay Ogie.

ADVERTISING

Pero mismong si Ogie na rin ang nagpatunay bilang isang gay na walang katotohanan ang isyu dahil lalaking-lalaki si Arjo.

“Alam mo sa tulad namin (gay), amoy pa lang ng isang tao, alam na namin kung ito ay gay or tunay na lalaki. Sa parte ni Arjo, aba! Lalaking-lalaki ‘yan, ‘no!” pagdidiin ni Ogie.

Anyway, hindi naman apektado si Arjo sa isyu na matagal nang ayaw tantanan ng mga intrigero’t intrigera. Basta ang pinag-uukulan ng panahon ngayon ni Arjo ay pagbutihin ang showbiz career. Tulad ng kanyang mga magulang, down to earth kung makisama ang binata.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING