Arjo Atayde, nakakabilib ang loyalty

ADVERTISING

Arjo Atayde, nakakabilib ang loyalty

Arjo Atayde, nakakabilib ang loyalty
Arjo Atayde

BILIB KAMI sa loyalty ng young actor na si Arjo Atayde.

 
Simple lang pero marunong siya magpahalaga sa mga bagay-bagay at sa mga taong nagbibigay sa kanya ng importansya noong panahon na hindi pa siya kilala.
 
Ang tinutukoy namin ay ang pagiging loyal endorser ni Arjo sa clothing brand na HammerHead kung saan siya ang current endorser.
 
‘”When I was just starting na hindi pa ako kilala as Joaquin sa action serye na “Ang Probinsiyano” ni Coco Martin; may nagtiwala na”
 
For the past two years, siya ang celebrity endorser na dati ay pinaghaharian nina Zoren Legaspi at Piolo Pascual na ngayon ay iba na ang ini-endorso.
 
Sa renewal of contract signing ni Arjo for the said brand, may nagtanong: what if mayroon nag-offer sa kanya na ibang clothing brand na mas malaki (mas doble) ang offer sa kanya, tatanggapin niya kaya?
 
Hindi na nagdalawang-isip ang aktor: No, I won’t. I told them I will support them. It’s just money. They have my word,” pahayag ng aktor na ang ugali ay mana sa inang si Sylvia Sanchez at businessman Art Atayde na naniniwala na sa ibabaw ng mundo, hindi lang pera ang magtatali sa ‘yo sa isang bagay o relasyon kundi ang tiwala at word of honor.
 
Hindi pang- press release lang si Arjo. Kung naniniwala siya sa produkto (like Hammerhead) ay siya mismo isinusuot niya mapa-local brand man ito.
 
“Even my non-showbiz friends (and barkada na mga sosy) they wear it. I like the comfort of their shirt,” pagmamalaki niya.
 
 Sa katunayan, kuwento ni Dada Cruz sa amin na promo manager ng naturang brand, kapag naga-out of town tour sila, imbes Arjo, Joaquin da wang tawag sa kanya.
 
“It helps our sales,” kuwento ng isa sa mga owners ng naturang clothing brand.
 
Sa ngayon, after ng much needed rest ni Arjo ay balik-telebisyon siya sa bagong serye sa Kapamilya Network with no less than her mom Sylvia Sanchez ang makakasama niya.
 
Last Friday was his first taping day. “Wala pa kami eksena ni mommy. Ang alam ko, next week pa siya magte-taping. I don’t know kung kailan kami magsasama sa work,” kuwento niya.
 
Lovelife? Meron syempre. The girl on Arjo’s heart ay isa sa mga Girl Trends ng noontime show na It’s Show Time.
 
Pakiusap ng binata: ” I want my private life out of showbiz. Hayaan na natin siya,” pangiting pakiusap ng binata.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING