Arjo Atayde, muntik nang lamunin ang inang si Sylvia Sanchez

ADVERTISING

Arjo Atayde, muntik nang lamunin ang inang si Sylvia Sanchez

Arjo-AtaydeHINDI KO alam kung marami ang nakapanood sa eksena ni Arjo Atayde last Thursday (October 30) sa Pure Love.

May eksena sila ng ina niyang si Sylvia Sanchez. Madugo ‘yun, knowing Ibyang na alam naman nating isang magaling na artista (tulad sa ipinamalas niya sa The Trial bilang inang tomboy ni John Lloyd Cruz). Muntik-muntik na siyang kinabog ng anak sa isang napakasimpleng eksena.

Nag-uusap ang mag-ina sa eksena. Kung mahina-hina ka, lalamunin ka ng aktres. Pero noong mga sandaling ‘yun, hindi nagpatalo si Arjo. Nakipagsabayan sa lisik ng mata ni Ibyang na sa eksenang nagpapaliwanagan ang dalawa. Simpleng eksena pero madrama.

Sa same episode, may eksena rin si Arjo with Richard Cepeda at John Arcilla. Hindi man sinasadya, nagampanan ni Arjo ang eksena with flying colors. Maging si John na isang beteranong stage actor bago pasukin ang telebisyon at pelikula ay humanga sa binata.

ADVERTISING

Pero tabi-tabi sa mga beteranong artista natin, kumakabog ang acting ni Arjo. Mapapamura ka sa galing ng aktor sa eksena niya with the three veteran performers.

Maging si Sylvia, aminado na kinabahan siya sa eksena nila ng anak. Kung nalingat marahil siya, muntik-muntikan na siya nilamon ng aktor sa eksena na ikinatutuwa naman ni Ibyang dahil lalong gumagaling ang anak niya sa pag-arte.

“Bilin ko lang sa kanya na dapat concentrate siya. Huwag niyang isipin na ako ang nanay niya. Huwag siyang ma-conscious sa scenes namin dahil kapag maiba lang ang tingin mo, mawawala ka, sabi ko sa kanya,” sabi ng aktres.

Kung napanood ninyo ‘yong eksena nina Ibyang at John Lloyd Cruz sa latest movie nila, kung saan binubugbog niya si Lloydie; ‘yun din ang usapan nila ng aktor para ma-portray nila nang tama ang eksena nila na ngayon ay umaani ng mga papuri.

Today, November 5 ay kaarawan ni Arjo. As of last weekend, walang plano ang binata na mag-hold ng party kumpara noon na sa first year niya sa showbiz; he treated some media friends sa pasta and pizza birthday feast niya sa Greenhills na sinundanan naman ng isang Chinese Lauriat dinner sa Passion restaurant sa Maxim’s Hotel sa may Resorts World Manila last year na sinundan naman ng isang party with his showbiz friends sa isang trendy bar sa RWM.

This year ang plano lang niya ay bumisita sa Child House para makasama ang mga less fortunate children na may mga cancer. Ngayong naka-tatlong taon na si Arjo sa showbiz, we wish him all the best na matupad ang mga pangarap niya bilang isang artista.

Sa buwang ito, magtatapos na ang Pure Love. Siguro naman timing lang ang isang MMK episode na puwede nilang pagsamahan ng inang si Sylvia. We just hope that after Pure Love; more challenging teleserye and roles para sa actor and syempre isang Pure Love para hindi na palaging pababaunan ng ina ang binata ng “condom”.

Happy Birthday, my Arjo Atayde!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING