Arjo Atayde, more projects ang wish sa kaarawan

ADVERTISING

Arjo Atayde, more projects ang wish sa kaarawan

 

ADVERTISING

Arjo-AtaydeANG PAGKAKAROON ng malusog na pangangatawan para sa kanyang sarili at sa kanyang buong pamilya at ang pagkakaroon ng mayabong na showbiz career ang wish ng award-winning actor na si Arjo Atayde sa kanyang kaarawan.

Nagpapasalamat nga raw ito sa kanyang very supportive parents na sina award-winning actress Sylvia Sanchez at Art Atayde na laging sumusuporta sa kanya, at sa pamunuan ng Star Magic at ABS-CBN sa pagbibigay sa kanya ng magagandang proyekto.

Nagpapasalamat din daw ito sa mga taong patuloy na tumututok sa kanilang teleserye ni Coco Martin na “Ang Probinsiyano” na patuloy ang pagtaas ng ratings.
Bea-Rose-Santiago-Erik-Santos-Miss-Silka-Philippines-2015-CandidatesErik Santos, haharanahin ang mga kandidata ng Miss Silka Philippines 2015

ADVERTISING

ANG MAHUSAY na singer at Prince of Pop na si Erik Santos ang magse-serenade sa naggagandahang kandidata mula sa buong Pilipinas ng Miss Silka Philippines 2015 na magaganap sa November 21, 4 p.m. sa Activity Center ng Market Market sa Taguig City, at ito’y hatid ng Cosmetique Asia Corporation, makers of Silka Skin Care Products at ng Cornerstone Events.
Samantalang ang Miss International 2013 na si Bea Rose Santiago at ang Pinoy Big Brother Unlimited Big Winner na si Slater Young ang magsisilbing host ng show.
Ang magwawaging Miss Silka Philippines 2015 ay tatanggap ng P120,000 cash prize, Silka gift pack, and P100,000 cash donation courtesy of Cosmetique Asia Corp. na ibibigay nito sa kanyang napiling charitable institution.
Kaya naman sino kaya sa 30 lovely candidates ang susunod sa yapak ng 2014 Miss Silka Philippines na si Kathreen Grace Ahorro na mula sa Puerto Princesa City, Palawan at hihiranging 2015 Miss Silka Philippines?

Kaya naman sugod na sa Market Market sa The Fort, Taguig City sa Nov. 21.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING