Arjo Atayde, may kumakalat na nude photo?

ADVERTISING

Arjo Atayde, may kumakalat na nude photo?

Arjo-Atayde“NAKU, KUNG siya man ‘yun, e ‘di mag-enjoy kayo,” natatawang sabi ni Sylvia Sanchez sa amin tungkol sa kumakalat na nude photo ng anak niyang si Arjo Atayde sa Internet.

Pinagpipistahan ito ngayon ng mga beki at girls na nag-iilusyon kay Arjo dahil bukod sa super hunk ang walong pandesal (abs) ng aktor at ang “ari” niya na super biggie habang nagse-selfie sa harap ng salamin (blurred ang notes pero kita mo ang haba at taba); imbis na maalarma, laughter lang ang sukli ng aktres sa amin nang makausap namin siya kahapon ng umaga while preparing for her taping sa Laguna for Be Careful With My Heart.

Sa lalaki, walang masama kung makita man ang ari niya. Siguro malamang, oks din lang kung sakaling may sex video scandal man si Arjo na lumusot sa social media, dahil para sa lalaki, pogi points ‘yun (pero kawawa ang babae).

Naniniwala kasi si Ibyang na kung minsan, may mga trip ang iba na para sa kanila okey lang at nae-enjoy nila lalo pa’t both parties are adventurous pagdating sa pag-e-explore sa sex.

ADVERTISING

Sa katunayan, sa FB account niya nakita namin ‘yung photos na ‘yun na malayo sa itsura ng kanyang anak. Yes, kahawig ni Arjo ang nasa litrato, pero masyadong maskulado na ‘yong lalaki na nasa litrato at hindi ‘yun si Arjo.

“How I wish na ganu’n ang katawan ng anak ko. Sexy. Isa yan sa pinag-aawayan namin na alagaan niya ang katawan niya. May baby fats pa rin si Arjo kaya ‘pag may oras siya, nasa gym ‘yan. Pero kung kumain naman, parang nagsayang lang ng pawis sa gym dahil binabawi ang hirap sa pagpapapayat na nauuwi sa pagkain niya,” kuwento ni Sylvia sa amin over the phone.

Nagsisimula pa lang magkaroon ng muscle at abs ang dibdib ng aktor.

“Naku, lalaki ang anak ko. Bahala siyang ingatan ang sarili niya kung ayaw niyang maiskandalo. Pero masaya, ‘di ba?” halakhak lang ng aktres.

“Si Paolo (Bediones) nga kilala. Wala, dedma siya,” pangangatuwiran ni Sylvia.

Come to think of this, last week, naging topic sa showbiz ang sex videos at kung anik-anik ng showbiz personalities. Sinimulan ni Paolo Bediones, Arjo Atayde at Young JV. Hinihintay ko pa ang sinasabing double exposure (dalawang lalaking kapareha) na sex video ni Ellen Adarna na ang sabi meron din daw at hihigitan ang eksena ni Paolo at ang kapareha niyang starlet.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING