Arjo Atayde, makasasama si Coco Martin sa action-serye

Arjo Atayde, makasasama si Coco Martin sa action-serye

Arjo-AtaydeRIGID TRAINING daw sa kapulisan ang ginagawa ngayon ng mahusay na teen actor na si Arjo Atayde kasama ang iba pang casts ng pagbibidahang soap ni Coco Martin na remake ng pelikuka ni The King Fernando Poe, Jr. na Ang Probinsiyano.
Sidekick ni Coco ang magiging papel ni Arjo sa said soap. Mahalaga raw ang papel na ginagampanan ni Arjo sa action-serye.
At sa bagong caharacter na kanyang ginagampanan ay masyadong nagustuhan daw nito ang kanyang role na ayon sa mahusay na actor ay very challenging at magpapakita ng kakaibang Arjo Atayde kung pagdating sa pag-arte ang pag-uusapan.

John’s Point
by John Fontanilla