Arjo Atayde, mabentang endorser ng mga produkto

Arjo Atayde, mabentang endorser ng mga produkto

Arjo Atayde
Arjo Atayde

Arjo Atayde, mabentang endorser ng mga produktoMasuwerte ang Kapamilya award-winning actor n si Arjo Atayde, dahil bukod sa sunud-sunod ang magagandang proyekto nito sa ABS-CBN, mabenta rin itong image model ng mga produkto.
Bukod nga sa endorsement nitong apparel (Hammerhead), isa na rin itong endorser ng Axe Black, kung saan isa ito sa ini-launch kamakailan na dinaluhan ng kanyang showbiz friends, sampu ng kanyang very supportive family sa pangunguna ng mahusay na actress na si Ms. Sylvia Sanchez at ng kanyang nag-aartista na ring very beautiful na kapatid na si Ria Atayde.
Regular na napanonood si Arjo Atayde sa top-rating serye na “Ang Probinsiyano” na pinagbibidahan ng kaibigan niyang si Coco Martin, kung saan ginagampanan niya ang role na pulis na kontrabida ni Coco.

John’s Point
by John Fontanilla