Arjo Atayde, kabado sa new soap

ADVERTISING

Arjo Atayde, kabado sa new soap

Arjo-AtaydeNAKARARAMDAM NG pressure ang isa sa maituturing na mahusay na teen actor ng ABS-CBN na si Arjo Atayde sa kanyang new soap, ang remake ng Pure Love na unang ipinalabas noong 2011 na ang tunay na titulo sa Korea ay 49 Days.

Makakatambal ni Arjo sa kauna-unahang pagkakataon ang isa sa kanyang showbiz crush na si Alex Gonzaga na ngayon ay nasa loob pa ng Bahay ni Kuya bilang housemate. Pero 100% naman daw ang ibinibigay ni Arjo para mas mapaganda ang kanilang soap ng sister ni Toni.

Wish nga ni Arjo na sana raw ay mag-click ang una nilang pagtatambal ni Alex nang sa ganu’n ay magkaroon pa ng tsansang magkatrabaho pa silang muli sa marami pang proyekto ng ABS-CBN.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING