Arjo Atayde image model na ng isang clothing line

ADVERTISING

Arjo Atayde image model na ng isang clothing line

Arjo-AtaydeDREAM COME true at isang maagang birthday gift para sa mahusay na Kapamilya actor na si Arjo Atayde ang pagiging image model ng isang clothing line, kung saan makakasama nito ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin. Ito raw kasi ang kauna-unahang endorsement ni Arjo.
“Masaya ako, kasi ito ‘yung first endorsement ko. Overwhelming siya. kasi lahat naman ng artist nangangarap na magkaroon ng endorsement.”
Part daw ng contract ni Arjo sa said clothing lines ang pagkakaroon ng billboard. “As of now kasi, ang nababangit pa lang nila sa akin eh, ‘yung magkakaroon ako ng billboards. Hindi ko pa alam ‘yung iba pang mga plans.”
Bukod sa kauna-unahang endorsement, happy rin daw si Arjo sa positibong feedback sa kanyang pag arte sa Ang Probinsiyano.
Nagpapasalamat nga raw ito sa mga taong nakaa-appreciate sa kanyang trabaho, kaya naman daw mas doble effort ito para mas paghusayan pa ang kanyang acting sa said teleserye.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING