Arjo Atayde, hinahangaan ni Coco Martin ang galing sa pag-arte

ADVERTISING

Arjo Atayde, hinahangaan ni Coco Martin ang galing sa pag-arte

Arjo-AtaydeBIRUAN NAMIN ng kaibigang Sylvia Sanchez, nagmana ang dalawang anak niya na sina Arjo Atayde at Ria Atayde sa kanya pagdating sa pag-arte.

ADVERTISING

Si Arjo na mahalaga ang role sa bagong teleserye ni Coco Martin na Ang Probinsyano na magsisimula mamaya after TV Patrol, alam ng publiko na magaling talagang umarte ang binata. Mula nang mabigyan siya ng break ng MMK (na most of our newcomers ay nangangarap na makapag-guest sa show ni Ms. Charon Santos), in his early years sa showbiz, naka-tatlong guesting na siya where he played the lead character.

Kaya nga hindi ako magtataka na ang galing ni Arjo ay napansin ni Coco Martin para sabihin nang diretsahan ni Coco na hanga siya kay Arjo at nangangarap na makatrabaho ito in the near future.

Fast forward, heto na ang magandang action serye na Ang Probinsyano na pagsasamahan nila ng magaling na aktor. Si Arjo, he plays classmate ni Coco na sa simula pa lang noong nag-aaral sila, may kumpetisyon na ang dalawa na lingid sa kaalaman ni Coco who plays a dual role as Ador and Cardo ay hindi na gusto ni Arjo ang “pang-eeksena” ni Coco sa mga gawain nitong magaganda unintentionally na dahilan para purihin siya at maging center of acttraction.

ADVERTISING

Si Coco, aprub sa kanya ang galing ni Arjo. No wonder supportive ang aktor kay Arjo na sa simula pa lang ng pagsasama nila (with their PNP training), saludo na si Arjo sa pagiging humble ni Coco sa mga artistang baguhan na tulad niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING