Arjo Atayde, high school pa lang, crush na si Alex Gonzaga

ADVERTISING

Arjo Atayde, high school pa lang, crush na si Alex Gonzaga

Arjo-Atayde-Alex-Gonzaga“OO, IF given a chance liligawan ko si Alex (Gonzaga). Dahil dati pa, nu’ng nasa ibang TV network pa siya, crush ko na siya!”

Ito ang naging pahayag ni Arjo Atayde kaugnay sa balitang malaki ang paghanga nito sa kapatid ni Toni Gonzaga.

Bulalas pa ni Arjo, “Ayaw niyang maniwala na since high school pa nang makita ko siya, nagka-crush na ako sa kanya. Parang childhood crush. Tapos nu’ng Dugong Buhay, may sinabi silang Pure Love, sabi ko sana maging part ako noon. ‘Yun ay sa isip-isip ko lang, pero hindi ko alam na heto na!

“At ngayon nga na magkasama na kami sa show, liligawan ko na siya. Pero alam ko naman na career ang focus ngayon ni Alex at nagpahayag na rin naman siya na hindi pa siya puwedeng magpaligaw o magka-boyfiriend, kaya magwe-wait na lang ako. Willing naman akong mag-wait kahit ilang taon pa ‘yan, kung kailan siya magiging ready.”

ADVERTISING

Ang mahalaga raw para kay Arjo, magkasama sila ngayon ni Alex sa show at umaasa siyang mas magiging mas close pa sila sa pagtakbo ng kanilang show at mas makikilala nila ang isa’t isa.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING