Arjo Atayde, handang maghintay kay Alex Gonzaga

ADVERTISING

Arjo Atayde, handang maghintay kay Alex Gonzaga

Arjo-Atayde-Alex-GonzagaNGAYONG ARAW, Lunes, July 7, na ang simula ng airing ng bagong romance-comedy series ng ABS-CBN na Pure Love. Bida rito sina Arjo Atayde at Alex Gonzaga na ilulunsad bilang pinakabagong loveteam ng Kapamilya Network.

ADVERTISING

“She’s very professional at saka masaya siyang kasama,” paglalarawan ni Arjo kay Alex bilang katrabaho.

“It’s really fun to work with her. Kasi she is a person who like to always smile. Lagi siyang nagpapatawa. Kaya I’m very happy to have the chance of working with her, kasi she’s one of my dream leading ladies. Gusto ko ‘yong kabuuan ng personality niya. She’s very lovable. Sa set kapag wala kaming eksenang kinukunan, madalas kaming nag-uusap. Puro mga patawa. Nagkukulitan kami kung minsan. Masaya talaga siyang kausap.”

Dati pa aminado na si Arjo  na crush niya at gusto niyang ligawan si Alex. At kahit ilang beses nang sInasabi ng dalaga na wala pa rin sa isip niya ang magpaligaw at makipag-boyfriend, seryoso naman ang aktor sa pagsasabing handa siyang maghintay.

ADVERTISING

“I’m willing to wait. Of course, I have to respect her. When she’s ready, maybe then I’ll know at saka mapaalam niya sa akin, then I will go for it. I don’t mind waiting for a long time. Kasi right now ang focus ko talaga is itong work namin ni Alex.Happy lang ako na I get to work with her dito sa Pure Love para mas makilala namin ang isa’t isa. If it doesn’t work out (‘yung panliligaw niya), then I get to keep her as a friend, ‘di ba?”

Kahit sa mga mumunting paraan lang, sinisimulan na raw iparamdam ni Arjo na may pagtingin siya kay Alex.

“Binibigyan ko siya ng gifts at flowers. At saka food po sa taping. When she requests something, as much as possible dinadala ko po. ‘Yung favorite niya, pichi-pichi at saka ‘yung chilicon carne hotdog sandwich.”

May pag-asa ba naman siya sa kanyang panliligaw sa aktres?

“I’m not expecting of course. Hindi ko naman pinu-foresee kung ano ‘yung mangyayari. Ayoko namang mag-expect nang todo-todo.So, chill lang, let’s go, let’s go. Pero honestly speaking, I’m just waiting.”

Nakilala na raw niya ang ina ni Alex na si Mommy Pinty.

“Once, pero long time ago na, wala pa po ako sa showbiz.”

Magkakilala na rin daw sila ng ate ni Alex na si Toni Gonzaga.

“Of course, nakilala ko na po siya. Nakatrabaho na rin siya dati ni Mommy (Sylvia Sanchez).”

Minsan na rin daw siyang pumasyaL sa bahay ng mga Gonzaga.

“Once, pero wala siya, e. I was ready to surprise her sana pero wala siya sa bahay.”

Hindi raw lingid sa kaalaman ng kanyang mommy Sylvia ang pagkagusto niya kay Alex.

“Ever since talaga, alam ni Mommy. Sabi niya… go. Go lang. Oo naman po,  Okey sa kanya. Kasi mabait naman si Alex,” sabi pa ni Arjo.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING