Arjo Atayde, gustong pasukin ang ‘motel’

ADVERTISING

Arjo Atayde, gustong pasukin ang ‘motel’

Arjo-AtaydeMULA NANG pumasok si Alex Gonzaga sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brothers All-In, naantala ang taping ng Pure Love kung saan isa sa may mahalagang role ay ang anak-anakan namin na si Arjo Atayde.

Kaya nga last Monday, ready’ng-ready muli si Arjo to face the camera lalo pa’t mahalaga ang role niya sa Pinoy version ng isang Korean telenovela na minsan ding sinundan ng mga Pinoy na mahilig sa Korean soap operas.

Now that Arjo is back, halos araw-araw na ang taping nila. Nagpapasalamat na rin ang binata na nagkaroon siya ng pagkakataon na makakasama ang kanyang pamilya sa pagbabakasyon kamakailan sa El Nido, Palawan dahil bonding time nila ito ng inang si Sylvia Sanchez na nagsimula na ring mag-shooting ng pelikula nila ni John Llyod Cruz under Chito Roño at ng kanyang Daddy Art.

Sa mga hindi nakaaalam, super close si Arjo sa kanyang siblings. Kay Ria who just graduated recently sa DLSU at mag-aaral sa Salamanca, Spain this coming school year, kay Gela who is in grade school sa Poveda at sa bunso na si Xavi.

ADVERTISING

Lovelife? Zero ang buhay pag-ibig ng binata ngayon na he enjoys being single lalo pa’t busy siya sa kanyang career.

Tama ba ang dinig ko na with Arjo’s cousins (sa Atayde side), balak nilang magtayo ng isang “motel” business? Kung sakali, waging-wagi ang negosyong ito.

Sa mga hindi nakakaalam, Arjo studied business sa isang international school na nang hatakin siya ng showbiz (via E-Boy kung saan he played the role of Jepoy) ay hindi niya ito natapos.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING