Arjo Atayde, first love talaga ang pagsasayaw; “girlfriend”, ‘di pa rin ipinakikilala sa magulang

ADVERTISING

Arjo Atayde, first love talaga ang pagsasayaw; “girlfriend”, ‘di pa rin ipinakikilala sa magulang

Arjo Atayde
Arjo Atayde

Nag-trending ang production number ng aktor na si Arjo Atayde last Sunday sa ASAP.

ADVERTISING

Yes, sino nga ba ang nakaaalam that this good-looking young actor can dance?

Hindi lang pang-arte ang alam ni Arjo na halos gabi-gabi nating napanonood as the kontrabida at super-nega na karakter sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” na si Joaquin.

Sa katunayan, marami akong nakauusap na non-showbiz friends kung bad boy ba talaga si Arjo. Meaning, pati sila na nanonood ng aksyon-serye ay nakukumbinsi na ang karakter ng aktor ay totoo. Kumbaga, si Arjo is really a bad boy.

ADVERTISING

We always tell people na nagtatanong na magaling lang talaga si Arjo na umarte.

Pero ang hindi alam ng marami na nakapanood ng dance moves niya last Sunday, first love ng binata ang pagsasayaw.

“Mana sa ama”, kay Papa Art Atayde ang galing ng binata sa pagsasayaw na noong high school pa lang ito sa La Salle-Greenhills, may sariling grupo ang aktor na lumalaban pa nga sila sa iba’t ibang dance crew contest.

Sa pinag-uusapang dance number ni Arjo na super sexy, may girls sa background na nag-back-up sa binata. I just don’t know kung isa sa mga babae du’n ay ang sinasabing “girlfriend” ngayon ni Arjo.

Sa pagkaakaalam ko, member ng GirlTrends ang dalaga na siyang “regular” date ng aktor, na until now ay hindi pa rin pormal na ipinapakilala ni Arjo sa inang si Sylvia Sanchez at sa ama.

Maging si Ibyang (tawag namin kay Sylvia), nang tanungin namin ang name ng dine-date ng anak, siya rin mismo, ‘di rin alam kung sino ang mysterious girl.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING