Arjo Atayde, enjoy sa pagiging kontrabida sa “Ang Probinsiyano”

ADVERTISING

Arjo Atayde, enjoy sa pagiging kontrabida sa "Ang Probinsiyano"

Arjo-AtaydeMasyadong nae-enjoy na raw ng mahusay na actor na si Arjo Atayde ang pagko-kontrabida, kaya naman daw willing ito to do another project na kontrabida siya ulit sa mga susunod niyang proyekto.

ADVERTISING

Tsika nga nga nito, “Super, super saya. Palaging may bagong nangyayari, eh. Different situation, different attacks. Each and every person is different.”

At paghahandaan rin daw ito if ever na maging sobrang sama ng character na ipo-portray niya. “Pinaghahandaan? I go through each and every step. Hindi ko naman iniisip na mas gagrabe pa, pero may mangyayaring malala towards the end.

“Different intensity. Pero ‘yun nga, dinadama ko. Kapag dumating ako sa point na I have to level-up, alam ko kung saan ako manggagaling. Kaya hindi ko iniisip.”

ADVERTISING

Basta ang mahalaga raw kay Arjo Atayde ay may trabaho siya at hindi mababakante, mapa-bida o kontrabida man ang role na ibigay sa kanya.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING