Arjo Atayde, ‘di mambubuntis ng babae

ADVERTISING

Arjo Atayde, ‘di mambubuntis ng babae

Arjo-AtaydeAT THE age of 24, kung saan kaseselebra lang ng kaarawan kamakailan ng isa sa mahusay na actor sa bakuran ng ABS-CBN na si Arjo Atayde ay wala pa rin itong girlfriend.
Tsika nga ni Arjo, choice niya raw na ‘wag munang mag-GF at mag-concentrate na lang muna sa kanyang career. Sayang naman daw ‘yung magagandang opportunities ba dumarating sa kanya kung magko-concentrate lang siya sa pagkakaroon ng lovelife.
At lalong hindi raw ito mambubuntis ng babae dahil mas gusto raw nito na ang babaeng mabubuntis niya ay ang babaeng kanyang pinakasalan at makakasama sa kanyang pagtanda.
Ilan nga sa wish ni Arjo sa kanyang kaarawan ay ang magkaroon ng good health, sampu ng kanyang mga mahal sa buhay, magandang career, at sana raw manalo siya sa 28th Star Awards for Television kung saan nominado siya para sa kategoryang Best Single Performance by an Actor.
Marika-SasakiJapinay Marika Sasaki, napasigaw sa tuwa nang malamang nominado sa Star Awards for TV

HINDI RAW makapaniwala ang isa sa frontliner ng Walang Tulugan With The Master Showman na si Marika Sasaki nang makarating sa kanya ang balitang nominado siya sa darating na 28th PMPC Star Awards For Television na nakatakdang ganapin sa Nov. 23, 2014 sa Solaire para sa kategoryang Best New Female TV Personality .
Tsika nga ni Marika, “Nu’ng una ngang may nagsabi na nominado raw ako, hindi ako kaagad naniwala. Sabi ko baka ginugudtaym lang ako, kaya tinanong ko siya kung saan ba niya nakita at sinabi sa akin na sa Internet daw.
“Kaya para makasigurado, tiningnan ko at ‘yun nga, nakalagay ‘yung name ko among 7 artists na nominado sa kategoryang Best New Female TV Personality.

“‘Yun lang ‘yung time na naniwala ako na totoo nga na nominado ako.”
Dagdag pa ni Marika na nang makita niya raw ang kanyang pangalan sa mga nominado, hindi niya naiwasang mapasigaw sa sobrang tuwa.
Ang nominasyon nga raw na nakuha nito ay magsisilbing inspirasyon dito para mas paghusayan pa ang kanyang trabaho sa mga proyektong darating sa kanya.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING