Arjo Atayde, ‘di bet ang loveteam nina Sylvia Sanchez at Lito Pimentel

ADVERTISING

Arjo Atayde, ‘di bet ang loveteam nina Sylvia Sanchez at Lito Pimentel

Arjo-AtaydeHINDI PALA bet ni Arjo Atayde ang loveteam ng nanay niyang si Sylvia Sanchez at Lito Pimentel sa Be Careful With My Heart series ng ABS-CBN.

ADVERTISING

Hindi raw siya kinikilig kina Nanay Teresita at Arturo (karakter ng dalawa). Kulang na nga lang sabihin ni Arjo na inaalibad-baran siya sa tambalan ng dalawa. Ha-ha-ha!

May special role si Sylvia sa Pure Love ni Arjo at ipinalabas na nu’ng Friday ang eksena nilang mag-ina. In fairness, hindi nag-criticize si Sylvia sa acting ng anak.

“Ang galing talaga ng mom ko do’n sa eksena namin. First time kong makaeksena siya. She’s really in her character,” kuwento pa ng binata.

ADVERTISING

Proud ding sinabi ni Arjo na hindi nag-criticize ang mom niya sa kanyang acting sa naturang scene.

“Being my number one critic, wala naman siyang sinabi. It only shows na okey ang ginawa ko,” dagdag pa ni Arjo.

Kasama rin sa Pure Love sina Alex Gonzaga, Joseph Marco, Yen Santos, Sunshine Cruz at marami pang iba.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING