Arjo Atayde at Maine Mendoza, happy and good vibes lang sa kanilang 2nd anniversary

DESPITE all the challenges they faced dahil sa kanilang unexpected relationship noong nagkasama sila sa isang movie project noong 2018, happy and going strong ang relasyon ng magkasintahan na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Arjo Atayde at Maine Mendoza, happy and good vibes lang sa kanilang 2nd anniversary
Maine Mendoza and Arjo Atayde

Hindi naman kaila sa lahat na naging challenging ang umpisa ng relasyon ng Kapamilya actor sa Kapuso star dahil na rin attached pa noon ang fans ng tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang idol. Ika nga, may ‘hope” pa for them na maging ‘real’ ang ‘reel’ partnership ng dalawa.

Matapang naman na kinumpirma mismo ni Maine last year ang relasyon nila ni Arjo. How fast time flies dahil naka-dalawang taon na rin pala ang ArMaine!

To celebrate this event, nagshare ng sweet and good vibes photos ang magkasintahan sa kani-kanilang social media accounts, na ikatuwa naman ng mga tunay na nagmamahal sa dalawa.

Arjo Atayde at Maine Mendoza, happy and good vibes lang sa kanilang 2nd anniversary
Arjo Atayde and Maine Mendoza

“I love you more than you could possibly imagine. Happy 2nd Anniversary bubs!” post ni Arjo sa kanyang Instagram account.

“Happy second <3” naman ang short but sweet caption ni Maine.

Kamakailan ay dumarami ang mga engagement and wedding announcements tulad nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, Andi Eigenmann at Philmar Alipayo at Morisette Amon at Dave Lamar. Susunod na rin kaya sina Arjo at Maine? Well, we will wait for the MAINE event!