Arjo Atayde at Alex Gonzaga, tuluy-tuloy na ang pagsasama

ADVERTISING

Arjo Atayde at Alex Gonzaga, tuluy-tuloy na ang pagsasama

Arjo-Atayde-Alex-GonzagaBALIK NA sa normal ang taping ng inaabangang Koreanovela adaptation ng ABS-CBN na Pure Love, dahil lumabas na sa  PBB All In ang lead actress ng said soap na si Alex Gonzaga, kung saan makakatambal nito ang magaling na teen actor na si Arjo Atayde.

Almost 7 weeks ding naantala ang taping ng Pure Love dahil sa biglang pagpasok ni Alex sa Bahay ni Kuya na ikinagulat ng lahat. Pero ngayong nasa outside world na muli si Alex, gigiling na muli ang kamera para sa inaabangang pagtatambal nina Alex at Arjo.

Ito raw ang kauna-unahang pagtatambal ng dalawa kaya naman daw excited si Arjo na makasama ang kanyang showbiz crush. Ilang lingo rin daw ang pinaghintay nito para makasama na sa taping at mas lalo pang makilala nang lubusan si Cathy (real name ni Alex) at maging close sa dalaga.

 

ADVERTISING

HATID NG Super Radyo DZBB ang ikalawang bahagi ng Serbis­yong Totoo Caravan sa June 27 sa San Andres Sports Complex, San Andres, Manila. Ang Serbisyong Totoo Caravan ay isang one-stop shop kung saan magsasama-sama ang iba’t ibang government agencies tulad ng SSS, PhilHealth, Public Attorney’s Office, Pag-IBIG Fund, at Philippine Statistics Administration (o dating kilala bilang National Statistics Office o NSO) upang mag-abot ng serbisyo at sumagot sa mga katanungan ng publiko. Bukas ang Serbisyong Totoo Caravan ng Super Radyo DZBB mula 8:00 am to 5:00 pm.

Patunay sa tagumpay ng public service program na ito ng DZBB, dinagsa ng may 900 katao ang unang bahagi ng Serbisyong Totoo Caravan sa Quezon City Memorial Circle noong Abril. Naroon din ang mga Super Radyo DZBB anchors na sina Mike Enriquez, Arnold Clavio, Lala Roque, Howard “Long Tall Howard” Medina, German “Kuya Germs” Moreno, Joel Reyes Zobel, Orly Trinidad, Fernan Gulapa, at Rene Sta. Cruz, kasama ang mga DZBB staff.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING