Arjo Atayde & Alex Gonzaga: 100% Pure Love!

Arjo-Atayde-Alex-GonzagaARJO ATAYDE
Real Name: Juan Carlos Campo Atayde
Birthdate: November 5, 1990

Zodiac Sign: Scorpio

ALEX GONZAGA
Real Name: Catherine Cruz Gonzaga
Birthdate: January 16, 1988
Zodiac Sign: Capricorn

ANG PHILIPPINE adaptation ng Koreanovelang PURE LOVE ang first teleserye project sa Dos ng dating Prinsesa ng TV5 na si Alex Gonzaga. Ka-loveteam niya rito si Arjo Atayde, na dating napanood naman sa Dugong Buhay. Lately ay sumabak din sa Pinoy Big Brother ang younger sizzy ni Toni Gonzaga para mas lalo siyang ibigin ng Kapamilya viewers. Mukhang nag-succeed naman si Bunso, huh!
Lately lang ay nag-confess sa publiko ang leading man niyang si Arjo na may feelings pala ito kay Alex. Nabigla ang ating bidang babae pero mukhang kilig-kiligan din naman ito deep inside! Is there any chance for this love story to last?
Takot pumasok sa isang relasyon ang Scorpio tulad ng Capricorn. Pareho silang sensitive at emotional, pero pinipilit nila itong itago. Dahil sa lagay na ito, mas recommended sa kanila ang ‘slow pace’ type of relationship. Hindi nga naman talagang kailangang madaliin lahat ng bagay lalo na kung bata pa, huh! Mahilig ding magduda ang dalawa kaya required na kilalanin at kabisaduhin muna nila ang isa’t isa.
Pero huwag malungkot dahil sa oras na makuha na nila ang timpla ng iniirog, malaki ang tsansang magtatagal ang kanilang pagsasama. May konting adjustments sa parte ng Capricorn sa pagiging involved sa relasyon, habang mas passionate naman ang Scorpio sa pagpapakita nito. Ito ang pwedeng pag-ugatan ng konting argumento, pero hindi rin naman ito big deal.
Ang lalaking Scorpio at babaeng Capricorn ay may permanent bond. Kailangan lang nilang mag-compromise ng konti lalo na’t medyo matigas ang ulo nila as individuals. Malakas ang chemistry ng dalawa na bihira silang mag-aaway. Ang loyalty at supportive nature ng Capricorn ang magpapagana sa Scorpio na pakitaan ng kabutihan at pagmamahal ang ka-partner. With the presence of each other, kaya nilang i-balanse ang kanilang positive and negative traits. Complimenting, ‘ika nga.
Ahem… mukhang nahanap na nina Arjo at Alex ang kanilang ‘Pure Love’ sa isa’t isa, huh! Bigla lang namin naalala ang 90’s dance hit na 100% Pure Love ng Crystal Waters at ni Geri Halliwell dahil sa kilig sa dalawang itetch! Push n’yo na ‘yan!

Pares-Pares

By Madam Damin

Previous articleO, Diva… bongga?!
Next articleMga Feeling Bagets Pa Rin

No posts to display