Arjo Atayde, aagawin si Kim Chiu kay Xian Lim?

ADVERTISING

Arjo Atayde, aagawin si Kim Chiu kay Xian Lim?

Arjo Atayde, aagawin si Kim Chiu kay Xian Lim?ANG BEAUTIFUL/PETITe ABS-CBN star na si Kim Chiu ang isa sa mga crush ng isa sa maituturing na magaling na teen actor sa kasalukuyan na si Arjo Atayde, na bukod sa galing umarte ay magaling ding kumanta at sumayaw.

Tsika nga ng teen actor at anak ng award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez, masyadong nagagandahan at nababaitan siya kay Kim, bukod pa raw sa magaling itong umarte. Sa ngayon daw ay nagkakilala na sila pero hindi pa raw sila ganu’n ka-close.

Pero pag-amin ni Arjo, wala naman daw siyang balak ligawan sa ngayon si Kim at wala itong balak na agawin kay Xian Lim, dahil ang focus daw niya ay ay ang kanyang gumagandang career. May tamang panahon daw para manligaw at magkaroon ng girlfriend.

Sa ngayon daw ay mas gusto muna nitong bigyan ng oras ang kanyang trabaho lalo na’t binibigyan siya ng ABS-CBN ng magagandang proyekto katulad ng project niya ngayon, ang Dugong Buhay, kung saan napapansin ang kanyang husay sa pag-arte.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING