Ariella Arida hindi naniniwala sa ‘second chance’

PALABAS NA ngayon sa Vivamax ang bagong sexy drama movie na ‘Breathe Again‘ na pinagbibidahan ng Binibining Pilipinas Universe 2013 na si Ariella Arida. Katulad ng kapwa beauty queens na naging palaban sa pagpapaseksi sa pinakamainit na streaming platform ng bansa ay may mga intimate scenes din ito sa kanyang leading men na sina Tony Labrusca at Ivan Padilla.

Ariella Arida hindi naniniwala sa 'second chance'
Ariella Arida | with Tony Labrusca in ‘Breathe Again’

Tungkol sa seven year itch at may bahid ang cheating ang nasabing pelikula. Para kay Ariella, hindi siya naniniwala sa ‘second chance’.

“Thankfully, wala pa naman akong ganu’ng experience from the previous relationship. Inisip ko nga, e, paano pala kung nangyari sa akin ’yon?” Ariella wonders.

“Ako kasi I’m so firm na pag (nangaliwa) tapos one-night stand pa, siguro ’yong normal na ka-text o alam mo ’yong may pini-flirt na iba mapapatawad ko pa pero kung one-night stand, parang it’s so hard for me na mabigyan ng second chance.

“Kasi ako sa sarili ko parang hindi ko s’ya kayang gawin sa partner ko. So, I’m just coming from myself na kung ikaw sa sarili mo, you can’t do it to your partner.

“So, I think mahirap for me din to give another chance to my partner kung nagawa n’ya ’yong one-night stand na ’yon,” isplika ni Ariella.

Sa totoo lang, cheating is really a choice. Nagagawa ito ng mga tao lalo na kung hindi na sila masaya sa kanilang relasyon.

“Parang kahit ano pang isipin mo, kahit sabihin pang aksidente or whatsoever, ginawa mo. It’s a choice, e.

“Kumbaga, naging careless ka doon or something like that. Pero if it’s like text-text lang kaya ko pang i-forgive pero kung one-night stand, no,” giit pa ng dalaga sa media conference para sa kanyang bagong pelikula.

In real life ay happy naman si Ariella sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend at three years na rin silang magkasintahan. Suportado naman ng kanyang boyfriend ang kanyang pagpapaseksi sa pelikula.

“Well, hopefully, hindi ko s’ya ma-experience in real life. Thankfully, wala pa naman akong ganu’ng na-experience ever,” saad ng bida ng Breathe Again.

Previous articleVLOG WATCH: Ang Mainit at Masabaw na Tinola ni Jamilla Obispo
Next articleBeauty Gonzalez, hihinto na sa showbiz pagkatapos ng anim na taon