Arci Muñoz, walang balak na balikan ang ex-boyfriend!

ADVERTISING

Arci Muñoz, walang balak na balikan ang ex-boyfriend!

Arci Muñoz, walang balak na balikan ang ex-boyfriend!KUNG TATANUNGIN SI Arci Muñoz ng ex-boyfriend niya na si Badi del Rosario na anak ng prinsipe ng Brunei after their break-up kung “Can We Still Be Friends?”, knows ko na ang magiging sagot ng dalaga.

Huwag na! ang malamang na sagot ni Arci sa boyfie niya for almost four years bago nauwi sa hiwalayan.
 
“Marami pong mga bagay na nangyari. Everything has been said and done. Wala na talagang chance,” sabi niya nang tanungin tungkol  sa isyung balikan or even na maging friends sila muli.

”Eh kasi nakita ko masaya na siya.”

Katwiran pa ni Arci: “Siguro para lang din sa peace of mind tsaka kung iisipin mo ‘yung maidudulot niya sa sarili mo na para sa akin… wala nang iisipin. ‘Yun nga kasi anytime puwede kayong magkita o magkasalubong.

ADVERTISING

“Pero not necessarily na kailangan kayo maging mag-friends. Para sa akin, kung pwedeng casual lang, hi-hello… Oo.. kasi baka sabihin niya kapag hindi ka nag-hi bitter ka. Pero depende talaga sa sitwasyon eh.”

Sa ngayon may umaali-aligid kay Arci na tipong type siya pero wala pang linaw kung nanliligaw ba sa kanya or may interest or “something” ang lalaki ba ayaw pa niyang i-share ang identity.

“Ewan, hindi ko alam. Pero kwento-kwento. Pero hindi na kasi ako nagtatanong, okay na ako,” kuwento ng very cool at chill na si Arci.’

Panigurado niya na paglabas ng pelikula nila ni Gerald sa June 14 ay hindi niya iimbitahan si Badi na panoorin ang pelikula niya.

“Ha ha ha… baka sabihin niya ikinuwento ko ang lovelife namin. It’s about kung pwede maging mag-friends ang mag-ex. Baka may masabi pa siya. Hindi na rin. Huwag na po hindi naman niya maiintindihan. Tagalog po.

 
Pagtatapos ni Arci: “Parang iniisip ko na lang nangyari sa’kin kasi nga sobrang fresh pa. Eh, baka kapag mapanood niya sabihin niya pa ‘Bakit mo naman kinuwento ang love story natin?’. So, ewan ko, wag nalang siguro.” pagtatapos nito.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING