Arci Muñoz, pinakamasuwerte sa cast ng “Pasion de Amor”

ADVERTISING

Arci Muñoz, pinakamasuwerte sa cast ng “Pasion de Amor”

Arci Muñoz, pinakamasuwerte sa cast ng “Pasion de Amor”Huling araw na rin ng late afternoon series na “Pasion de Amor” sa Biyernes (Feb. 26) na pinagbibidahan nina Ejay Falcon, Jake Cuenca, Joseph Marco, Ellen Adarna, Coleen Garcia, at Arci Muñoz. Tumagal sa ere ang ABS-CBN series kaya tiyak na mami-miss ng cast ang isa’t isa.

Ayon sa mga babaeng cast, hindi maiiwasang makaramdam sila ng separation anxiety lalo pa’t araw-araw silang magkakasama sa taping ng “Pasion de Amor”.

“Mami-miss ko silang lahat, ang mga director namin, production staff at ‘yung buong cast,” pahayag ni Ellen na mukhang mas at peace nu’ng hindi na itinuloy ni Ejay ang panliligaw sa kanya.

Sa part ng mga lalaking cast ay pagka-miss din daw ang kanilang nararamdaman. “Magkikita-kita pa rin naman kami kahit wala nang taping. Magba-bonding pa rin kaming tatlo,” sey naman ni Joseph.

ADVERTISING

Isa sa pinakamasuwerte sa cast ng “Pasion de Amor” ay si Arci Muñoz dahil after matapos ng series, ipalalabas naman ang launching movie niyang “Always Be My Maybe” from Star Cinema ka-partner si Gerald Anderson and directed by Dan Villegas.

“Lahat ng magagandang nangyari sa career ko, malaking part do’n ang “Pasion de Amor” kaya nagpapasalamat ako na napasama ako sa cast ng show,” masaya niyang pahayag.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING