Arci Muñoz, nilinaw ang insidente ng pagkakasipa sa mukha ni Cristine Reyes

ADVERTISING

Arci Muñoz, nilinaw ang insidente ng pagkakasipa sa mukha ni Cristine Reyes

FINALLY, nagsalita na ang aktres na si Arci Muñoz hinggil sa isyu ng pagkakasipa niya sa mukha ng kapwa aktres na si Cristine Reyes.

Arci Muñoz, nilinaw ang insidente ng pagkakasipa sa mukha ni Cristine Reyes
Arci Muñoz

Agad nilinaw ng Kapamilya actress na aksidente ang nangyari sa set ng “I Can Do That”, kung saan nasipa niya ang mukha si Cristine habang sila ay nagpa-practice.

Aniya, “Kasi ano, mayroon kaming ginawang act. So ayon, nagpa-practice kami, nagre-rehearse. ‘Yong isang step, may isang step doon na sisipa ako backward. Sakto si AA (Cristine) nasa likod, nakatayo lang siya, pinanonood niya ako. Tapos ginawa niya ‘yung act, e, kasi naka-bend down ‘yon na ganu’n, hindi ko nakikita. Sabay pagka-bend down niya, ako naman, pagsipa ko, nasa floor na ako, salubong, ayon tinamaan si AA sa mukha.”

Dugtong pa niya, nataranta siya dahil alam niyang malakas ang kanyang sipa. Hindi niya raw alam kung anong gagawin niya at tinitingnan lang daw sila ng mga tao. Siguro raw hindi alam ng mga ito na grabe ang nangyari.

ADVERTISING

Alam niyang masakit iyon ngunit tumatawa pa rin si Cristine, tawa na may kasamang iyak at game pa rin daw ito na parang walang nangyari. Humanga raw siya sa pagiging cool ng aktres.

ADVERTISING