Arci Muñoz, nakaligtas sa isang malagim na aksidente

ADVERTISING

 alt=

ISANG malagim na aksidente ang naligtasan ng sexy actress na si Arci Muñoz, matapos bagsakan ng poste ng kuryente ang kanyang puting Starex van.

Arci Muñoz, nakaligtas sa isang malagim na aksidente
Arci Muñoz (courtesy of Facebook: Arci Muñoz)

Sa Facebook account ng Kapamilya actress, naka-post ang dalawang litrato ng kanyang van na nadadaganan ng poste ng kuryente na bumagsak sa bandang gitna ng sasakyan. Halos mahati ang sasakyan sa lakas ng pagkakabagsak ng poste.

Sa caption ni Arci sa nasabing aksidente, “Thank God I survived this.”

 

ADVERTISING

 

Posted by Arci Muñoz on Thursday, March 23, 2017

Posted by Arci Muñoz on Thursday, March 23, 2017

Bumuhos naman ang pag-alala ng mga kaibigan at followers kay Arci kaugnay ng insidente.

Ayon sa mga ulat, wala si Arci sa loob ng sasakyan nang mangyari ang aksidente. Tanging ang kanyang driver at assistant ang naroon na kapwa naman ligtas at wala umanong anumang sugat.

ADVERTISING