Arci Muñoz, mistulang matrona ‘pag nabaliw sa pag-ibig

ADVERTISING

Arci Muñoz, mistulang matrona 'pag nabaliw sa pag-ibig

Arci Muñoz
Arci Muñoz

Aliw kapag nage-guest ang celebrities sa “Gandang Gabi Vice” na napanonood every Sunday evening. Si Vice Ganda, kapag napagtripan ka ay yari ka sa kanya. Impromptu kasi ang kabaliwan ng “Unkabogable Box-Office Star” kapag nakasalang na siya sa harap ng camera, which for me ay mas okey lalo pa’t casual ang tsikahan.

Kapag ganito ang kuwentuhan na kampante ka sa kanya, ang daming hugot at mga hindi alam ng publiko ang kusa na lang lumalabas at naikukuwento ng guest niya. Kaya revelation ‘yong pag-guest ni Arci Muñoz last Sunday sa GGV.

Yes, hayagang inamin ng isa sa pinaka-sexy nating female celebrities ngayon ang kanyang kabaliwan sa pag-ibig sa early years ng kanyang pagla-lovelife.

Inamin ni Arci Muñoz na almost four years siyang nakipagligawan sa kanyang first boyfriend. Ang lalaking ‘yun ang siyang una ring dahilan ng kanyang heartaches. Ang first love niya ang siyang masamang karanasan niya pagdating sa usaping pag-ibig.

ADVERTISING

Inamin ni Arci na hindi naging maganda ang relasyon nila ng kanyang boyfie noon.

“Four years akong nag-stalk tapos nakita siya ng mommy ko na meron siyang kahalikang ibang girl,” kuwento niya on national television.

Pero one time sumulpot ang ex-boyfriend niya sa isa sa mga gig niya (isa ring rakista si Arci). Nagkabalikan sila ng kanyang ex-boyfriend, pero inabot lang ng six months dahil nadiskubre ni Arci na may isa pa pala siyang girlfriend bukod sa kanya.

Naalala pa niya na alas-sais ng umaga nang nakipag-break sa kanya ang lalaki. “Out of nowhere kasi, sobrang okay kami. Tapos 6 a.m., nag-text siya na “I need a break.”

Kaloka. Nasaktan siya sa ginawa ng dating boyfie. Pang-reverse sa kanyang nararamdaman this time after the morning break-up, iniba niya ang kanyang istilo pagdating sa kanyang lovelife.

Kuwento pa ng isa sa mga star ng pelikulang “Camp Sawi” ng Viva Films (palabas na sa Augut 24). “Ako ang nanliligaw. Ni-renovate ko pa nga ‘yung kwarto, nagpintura ako… bumili ako ng kama, carpet, TV…” hugot niya during the VVG interview.

Dumating pa diumano sa punto na si Arci ang nagbayad ng loan ng kotse ng lalaki.

Iba rin si Arci ‘pag nabaliw sa pag-ibig. Parang bagets na “matrona”. Aliw ka girl.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING