Arci Muñoz, kung ‘di pa lumipat sa Dos, ‘di pa magkakaroon ng career

ADVERTISING

Arci Muñoz, kung 'di pa lumipat sa Dos, 'di pa magkakaroon ng career

Arci Muñoz, kung 'di pa lumipat sa Dos, 'di pa magkakaroon ng careerSi Arci Muñoz ay produkto ng Starstruck ng GMA 7. Pagkatapos walang mangyari sa career niya sa Siyete, lumipat siya sa TV5. Sa Singko, wala rin siyang naging career.

ADVERTISING

Kung hindi pa lumipat sa ABS-CBN si Arci Muñoz, hindi pa siya magkakaroon ng magandang career. At least ngayon, sikat na siya, huh!

Isa si Arci sa mga bida sa late afternoon series na “Pasion de Amor” kasama sina Jake Cuenca, Ejay Falcon, Ellen Adarna, Joseph Marco, at Coleen Garcia. May launching movie na rin siya, ang “Always Be My Maybe” at kapartner niya sa pelikula si Gerald Anderson.

Unang nabigyan ng break sa movie si Arci nu’ng mapasama siya sa “A Second Chance” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. She portrayed well in that movie kaya siguro nakita ng Star Cinema na pupuwede siyang bigyan ng lead role.

ADVERTISING

Ayon sa mga Star Cinema, magaling si Arci at nakikita nilang magiging big star ito in the future. Wala rin daw itong reklamo at maganda ang working attitude.

Ang “Always Be My Maybe” ay ipalalabas sa Feb. 24. The film is under the direction of Dan Villegas na gumawa ng “English Only, Please” at “Walang Forever”.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING