Arci Muñoz, crush daw si Jericho Rosales panahon pa ng ‘Mr. Pogi’

ADVERTISING

Arci Muñoz, crush daw si Jericho Rosales panahon pa ng ‘Mr. Pogi’

Arci Muñoz & Jericho Rosales
Arci Muñoz & Jericho Rosales

Malaki raw ang paghanga ng versatile actress na si Arci Muñoz sa kanyang lead actor si Jericho Rosales sa inaabangang teleserye ng Kapamilya Network na “Magpahanggang Wakas” na magsisimula nang mapanood sa September 19.

Kuwento nga ni Arci, “Sino ba namang hindi magkaka-crush diyan?”

Panahon pa nga raw ng ‘Mr. Pogi’, crush na ni Arci ang mahusay na actor. “Mr. Pogi pa lang! Hahaha!”

Kaya naman daw malaking karangalan para kay Arci ang makatrabaho sa unang pagkakataon si Jerciho na sobrang husay raw sa kanilang teleserye.

ADVERTISING

Makasasama nina Arci at Jericho sa “Magpahanggang Wakas” sina John Estrada, Rita Avila, Liza Lorena, Marco Gumabao, Lito Pementel, Allan Paule, atbp. mula sa direksiyon ni F.M. Reyes.

 

Alex Gonzaga & Joseph Marco
Alex Gonzaga & Joseph Marco

Alex Gonzaga at Joseph Marco, muling magtatambal sa “My Rebound Girl”

Muling magpakikilig ang dalawang prime artist ng Kapamilya Network na sina Alex Gonzaga at Joseph

Marco sa inaabangang pelikula ng Regal Films, ang “My Rebound Girl” mula sa direksiyon ni Emman dela Cruz.

Maaalalang unang nagtambal ang dalawa sa ABS-CBN Pinoy adaptation ng Koreanovelang “Pure Love” at ngayon naman ay sa kilig/comedy movie na “My Rebound Girl”.

Sobrang saya nga ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga, dahil bidang -bida na siya sa said movie. Very thankful nga ito sa Regal Films sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong magbida sa “My Rebound Girl”.

 

Dr. Milagros How
Dr. Milagros How

1st ToFarm Songwriting Competition, tumatanggap na ng entries

Open na sa pagtanggap ng entries mula sa mahuhusay na composers ang 1st ToFarm Songwriting Competition na may temang “Planting the seeds of change”. Ginawa ni Dr. Milagros How ang competition para maka-discover pa ng bagong songwriters at singers na rin.
Welcome na welcome ang kahit anong genre ng songs na nauugnay sa agrikultura at magiging yearly event na rin ito to discover more musical wonders. Nine finalists ang pipiliin at ia-announce ito sa December 5, samantalang sa February 6, 2017 ang Grand Finals nito.
Ang interesadong mag-submit ng entry ay puwedeng ipadala sa ToFarm secretariat 10th floor Harvester Corporate Center 158 P. Tuazon Blvd. corner 7th Avenue, Cubao, Quezon City.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING