Arci Muñoz, ayaw ma-typecast sa sexy projects

ADVERTISING

Arci Muñoz, ayaw ma-typecast sa sexy projects

Arci Muñoz
Arci Muñoz

Papuri ang namutawi sa mga labi ng lead actress sa newest Kapamilya teleserye na “Magpahanggang Wakas” na si Arci Muñoz sa kanyang leading man dito na si Jericho Rosales.

Tsika nga ni Arci sa presscon ng nasabing serye, “Kay Echo, wala akong masabi riyan, sobrang galing ni Echo and makes me work harder.

“Paghuhusayan ko pa acting ko at siya yata ang pinaka-humble na artistang nakasama ko. Sobrang humble, sobrang galing. Pagdating ng set, babatiin niya lahat.”

Marami nga raw silang daring scenes dito ni Jericho. “Nasa isla po kasi kami ni Echo. Opo, ganu’n sa lahat naman ng role na ginagawa ko, basta hiningi ng character. Hindi naman siya bastos.”

ADVERTISING

Pero ayaw raw ni Arci na ma-typecast label sa sexy projects. “Alam ko rin naman ang limitations ko,” pagtatapos ni Arci.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING