ARAY! Dibdib ni Alice Dixson, napagkamalang damo ng kabayo

ADVERTISING
RK Villacorta

BIGLA AKO natawa sa video ng aktres na si Alice Dixson na in-upload niya sa kanyang Facebook account.

Habang naga-annotate ang aktres sa gagawin niyang activity with Blue Moon (name ng kabayo) sa isang resort sa Cebu, sa paglingon ng horse sa kanyang kanan ng aktres ay kinagat nito ang dede ng aktres.

ARAY! Dibdib ni Alice Dixson, napagkamalang damo ng kabayo
Alice Dixson with Blue Moon the Horsie

Napagalaman namin sa video na gutom pala ang kabayo kaya nagawa nito kagatin ang maselang bahagi ng katawan ni Alice.

Imbis na magalit at saktan ang kabayo bilang reaksyon niya para makaganti, natawa na lang si Alice sa sakit na naramdaman niya.

Sabi ng  ilang netizen sa nakita nilang video na si Alice mismo ang nag-upload sa kanya FB account, “suwerte ni Blue Moon”. Naman.

ADVERTISING

Sa video, napa-aray si Alice sa sakit. Sa suot niya na gray tee-shirt , may leaf design ito na tuloy napagkamalan ni Blue Moon na treat ni Alice ang “leaves” na imprenta sa harap suot na pang-itaas para sa kanya.

Kinagat ang dede ko!!!!!!

Kinagat ang dede ko!!!At 1st I didn’t know why the horse did that. Later I realized why… panoorin! To see this whole adventure… catch my Cebu vlog – now out on my YouTube ?https://youtu.be/x-Ixn6FrREIKandaya ResortSky Experience AdventureOslob Whale Shark WatchingMalapascua Island#AABarbeque#Cebu#ItsMoreFunInThePhilippines#nikephilippines ??

Posted by Alice Dixson on Monday, October 14, 2019

 

 

Habang isinusulat ko ang item na ito, natatawa pa rin ako sa natural ni reaksyon ni Alice na walang kaarte-arte.

Sa mga tagahanga ni Alice, catch her sa new movie nila ng aktor na si Aga Muhlach na Nuuk na palabas na sa November 6 na dinirek ni Veronica Velasco at produced ng Viva Films.

Sa Nuuk, capital of Greenland nag-shooting ang Team Nuuk na territory ng bansang Denmark.

ARAY! Dibdib ni Alice Dixson, napagkamalang damo ng kabayo
Alice Dixson and Aga Muhlach in ‘Nuuk’

Kuwento nga ng aktres nung shooting nila doon, “It’s a very remote place. Sobrang layo pero may mg kababayaan pa rin pala tayo na doon na nakatira at ang iba ay doon nagwo-work.

“The place is very cold. More colder than Canada kung saan for a while ay doon ako tumira,” sabi ng aktres.

 

ADVERTISING