Ara Mina, tahimik sa ‘hiwalayan’ nila ni Mayor Patrick Meneses

Ara Mina, tahimik sa ‘hiwalayan’ nila ni Mayor Patrick Meneses

Ara-MinaAYAW PA ring magsalita hanggang ngayon ni Ara Mina tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ng boyfriend na si Mayor Patrick Meneses ng Bulakan, Bulacan. Tumawag siya sa amin kamakailan, pero wala siyang sinabing update tungkol sa isyu.

Ang sabi lang niya, “Alam ko namang hindi ako pababayaan ng Diyos. Malalampasan ko rin ang mga pagsubok na ito sa buhay ko.”

Ang balita namin, nag-usap na ulit sina Ara at Patrick at pilit nilang inaayos ang lahat. Wish namin na hindi masayang ang halos apat na taon nilang relasyon para na rin sa anak nilang si Amanda Gabriel o Mandy.

Balik-trabaho naman ngayon si Ara pagkatapos niyang manganak at magpabinyang. May gagawin siyang pelikula sa Viva Films kasama ang dalawang teenstars na sina Yassi Pressman at Andre Paras. Two weeks ago, nag-guest din siya sa Maalaala Mo Kaya (MMK) at maglalaro rin siya sa Kapamilya Deal Or No Deal.

Makuha kaya ni Ara ang P1 million na jackpot sa programang si Luis Manzano ang naghu-host? Abangan!

La Boka
by Leo Bukas