Ara Mina, saludo sa pagiging hindi ‘pa-diva’ ni Sarah Geronimo

ADVERTISING

Ara Mina, saludo sa pagiging hindi  ‘pa-diva’ ni Sarah Geronimo

Ara Mina, saludo sa pagiging hindi  ‘pa-diva’ ni Sarah Geronimo
Sarah Geronimo, Ara Mina and Meg Imperial

TAPOS NA ang syuting ng pelikulang Unforgettable na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo kasama sina Ara Mina at Meg Imperial. The film is produced by Viva Films and directed by Perci Intalan and Jun Lana.

ADVERTISING

Very memorable kay Ara ang pelikula dahil unang beses niyang nakatrabaho ang Popstar Princess.

“It’s my first time to work with Sarah and second movie naman namin ni Meg. Happy to work with them. Ang gaan gaan ng set at well organized mula production staff and sa directors namin na sina Direk Jun at Direk Perci,” lahad ni Ara na umaasang makatrabaho ulit sa mga susunod na pelikula ang dalawang director.

Maraming supporters ni Sarah G ang natuwa sa post ni Ara at sa pagsaludo nito sa pagiging humble ng singer-actress.

ADVERTISING

Ani Ara, “Kay Sarah naman ang masasabi ko lang isa siya sa pinaka-humble na artista na nakilala ko. Tahimik siya, hindi pa-diva tulad ng iba kahit baguhan pa lang (that’s the reality in our industry).

“Marami rin kasi akong na-witness na nagbago nung sumikat na or kahit matagal ka ng artista at nabigyan ng break ulit nagbabago pa rin sila (sad to say). Pero ikaw Sarah, may karapatan kang maging pa-diva pero hindi. Maraming salamat for being nice, kind, professfional and down to earth. Isa kang totoong tao. Saludo ako sayo! Kaya ka blessed.”

Hiningi rin ni Ara ang suporta ng publikoo na sana ay panoorin ang kanilang pelikulang Unforgettable kapag ipinalabas na ito sa October 23.

“Wag n’yo pong kalilimutan na showing na po kami sa October 23. It’s a different Sarah movie. Sana po supportahan n’yo po,” pakiusap pa niya.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING