Ara Mina, pinaghintay ni Manny Pacquiao dahil kay Krista Ranillo?! – Lolit Solis

ADVERTISING

Ara Mina, pinaghintay ni Manny Pacquiao dahil kay Krista Ranillo?! - Lolit Solis

Ara Mina, pinaghintay ni Manny Pacquiao dahil kay Krista Ranillo?! - Lolit SolisHAY NAKU! LALONG umiinit itong intriga kina Manny Pacquiao at Krista Ranillo, ha?!

May mga nagkuwentong galit na raw si Jinkee at marami na ang nakahalata nang dumating ito sa Los Angeles, California kamakailan lang.

Sinundo nga ni Manny si Jinkee sa airport pero hindi man lang daw sila nakitang naghalikan o nagyakapan dahil matagal na rin silang hindi nagkasama.

Seryoso raw ang mukha ni Jinkee nang nakita si Manny at hanggang sa kotse ay parang hindi pa raw sila nag-uusap. Nakakaloka na ito dahil naka-display pa raw roon si Krista kasama pa ang tatay niya, ha?!

ADVERTISING

Nakakaloka! Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari pagkatapos ng laban nito kay Miguel Cotto.

Heto pa, ‘day! Ewan ko lang kung totoo, ha?

Pero may nagkuwento sa amin na nu’ng nasa Baguio pa raw nag-iensayo si Manny, nandu’n daw si Krista at sobrang sweet daw ang dalawa. Nagsusubuan pa raw sila ng pagkain at walang pakialam kahit nakikita ng iba.

Nasa bahay raw nu’n si Manny at sila lang ni Krista ang nasa kuwarto nang biglang dumating naman daw ang Ara Mina.

Ewan ko lang kung totoo, ha? Kasi kahit naiintriga na itong si Manny kay Krista, hindi pa rin mamatay-matay iyang Ara Mina isyu kahit may boyfriend naman itong huli.

So, ‘eto na nga! Nang dumating daw ang Ara, kaagad na umakyat sa kuwarto ni Manny ang tao nito para sabihan na nandu’n ang Ara. Sagot daw ni Manny, pahintayin sandali at bababa na ito.

Pero inabot daw ng halos tatlong oras sa paghihintay si Ara nang bumaba ito kasama pa si Krista.

Tumili raw ang Ara! Ang sabi raw, “Paghihintayin mo ako ng ganu’n katagal dahil lang sa babaeng ito! Sino ba iyan?”

Sabi lang daw ni Krista; “Ewan ko sa ‘yo… wala akong pakialam sa ‘yo…” something to that effect ang sey!

Kung totoo man ito, nakakaloka ang eksena na feeling ko parang mala-Brad Pitt na sa kaguwapuhan si Manny.

Tinatawagan ng isang staff namin sa Startalk si Ara para kunan ng reakisyon sa intrigang ito pero hindi naman daw sumasagot.

Naku! Alamin pa namin iyan kung totoo nga iyang kumakalat na balita.

Pero ang hindi na talaga ma-deny ay itong sa kanila ni Krista. Magkaaminan kaya silang dalawa? Palalagpasin lang kaya ito ni Jinkee? Naku day! Knowing Jinkee, hindi iyan tatahimik. Malalaman din natin iyan!

Sa ngayon, ipagdasal na lang muna natin na maganda ang kalalabasan nitong laban ni Manny dahil malaking karangalan naman ito sa ating bansa.

In fairness naman sa kanya, sabi nga ng Mommy Dionisia niya at kahit ang tatay-tatayan niyang si Sec. Lito Atienza, mapagdasal si Manny kaya naniniwala itong hindi siya pababayaan ng Diyos.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING